07/07/2026
ππππ π, ππππ | πππππππππ ππ ππππ πππππππππ πππππ πππππππππππ ππ ππππππππ ππππππ
Nagkaisa ang buong Barangay Puypuy sa pagdiriwang ng Ika-52 Buwan ng Nutrisyon, bilang pagpapatunay ng ating patuloy na pagsisikap na itaguyod ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa ating kalikasan.
Sa temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan," ating kinikilala ang mahalagang ugnayan ng isang malusog na pamayanan at isang malinis at masaganang kapaligiran. Sa sama-samang pagkilos, mapapanatili natin ang kalusugan ng bawat pamilya habang inaalagaan ang likas na yaman na nagbibigay-buhay sa ating komunidad.
Maraming salamat sa ating mga Child Development Workers, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Nutrition Committee, mga magulang, mga bata, at sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng pagdiriwang na ito. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating isabuhay ang wastong nutrisyon at pagmamalasakit sa kalikasan.
Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan at kalikasan para sa mas malusog at mas maunlad na Barangay Puypuy! π