31/07/2026
PAGBATI PARA SA MGA GRADUATES NG BATCH 2026!🎓
Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Bical Norte ay buong-pusong bumabati sa lahat ng ating mga kabataang Bicalanians na kabilang sa Batch 2026! 👏
Bilang pagkilala sa inyong tagumpay at pagsisikap, nais naming ilaan ang espasyong ito upang ipagmalaki at parangalan ang bawat isa sa inyo. Kayo ang patunay na ang kabataan ng Bical Norte ay may kakayahang umabot sa pangarap!
Para sa posting ng ating mga graduates, mangyaring i-upload ang inyong opisyal na Toga Pictures sa Google Drive folder na ito:
📁 I-upload dito: https://drive.google.com/drive/folders/1GeG6JEeQ6FxPK1-QEpvHE9SG9AKAl8yJ
PAKISUNDAN ANG PORMAT NG PANGALAN NG FILE:
Apelyido, Pangalan M.I.
Kurso/Degree Program
Major (kung mayroon)
Halimbawa:
Mercado, Juan D.
Bachelor of Secondary Education
Major in Mathematics
📅 Deadline ng pag-upload: August 08, 2026 - 11:59 PM
Muli, pagbati sa inyong lahat! Ipinagmamalaki kayo ng buong Barangay Bical Norte. Patuloy na mangarap at magtagumpay!