06/07/2025
𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝘆𝘂𝗴𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱!
Inaanyayahan ang lahat na tumutok sa 𝗜𝗡𝗔𝗨𝗚𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗻𝗴 𝗜𝗸𝗮-𝟳 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗕𝗶ñ𝗮𝗻
ngayong Lunes, live na mapapanood City of Biñan page.
Ang Sangguniang Panlungsod ay mahalagang haligi ng ating pamahalaan, dito binubuo at pinagpapasyahan ang mga polisiya, ordinansa at programang magdadala ng kaunlaran sa ating lungsod. Sa bawat sesyon, naisasabuhay ang demokrasya at mas naririnig ang boses ng bawat Biñanense.
Maging saksi sa makasaysayang panimula ng bagong konseho. Suportahan po natin ang ating mga halal na opisyal habang kanilang isinusulong ang 𝘵𝘢𝘱𝘢𝘵, 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘣𝘢𝘯𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘶𝘮𝘶𝘯𝘰.