05/09/2026
BINANGONAN, SA MATA NG KABATAAN ๐ฅ๐โ๐จ
Ngayong World Tourism and Creative Month 2026, bibigyan natin ng pagkakataon ang kabataang taga-Binangonan na magkuwento at magbahagi tungkol sa mga bagay na mahalaga sa ating mahal na bayan.
Sa youth participation program na โTourism Through the Eyes of the Youth: Discovering Today, Creating Tomorrowโ ng Local Youth Development Office (LYDO) at Binangonan Tourism, Culture and Arts Office, hinihikayat ang mga kabataan na gumawa ng sariling short tourism promotional video na nagpapakita ng turismo mula sa kanilang pananaw.
Kasama rito ang kultura, kasaysayan, pagkain, sining, tradisyon, kalikasan, lokal na produkto, kabuhayan, heritage sites, tourism destinations, at mga kwento ng mga taong bahagi ng Binangonan.
๐ฌ ANO ANG CHALLENGE?
Isipin na kayo ang magiging tourism ambassador ng Binangonan.
โKung ikaw ang magiging tourism ambassador ng Binangonan, ano ang ipapakita mo sa mundo at bakit?โ
Pumili ng isang lugar, kultura, produkto, kwento o tourism experience na sa tingin ninyo ay dapat mas makilala. Pagkatapos, gumawa ng video na magpapakita kung bakit ito mahalaga, kakaiba o dapat tuklasin.
๐ REGISTRATION
๐ https://forms.gle/LenaKaELFx5f6b8X8
๐ฅ SINO ANG MAAARING SUMALI?
โข Residente ng Binangonan na 15โ30 taong gulang
โข Maaaring sumali nang indibidwal o bilang grupo.
โข Ang bawat barangay ay maaaring magsumite ng isa o higit pang video entries.
๐ฑ ANO ANG VIDEO REQUIREMENTS?
Ang entry ay dapat:
โข 2โ3 minuto ang haba
โข Vertical/Portrait (9:16) para sa Facebook Reels, TikTok at iba pang social media platforms
โข Maaaring gawin gamit ang cellphone, camera o anumang available na kagamitan
โข Maaaring gumamit ng narration, interview, voice-over, music at creative editing
โข Orihinal na gawa ng participant o grupo
โข Positibo, magalang, tama ang impormasyon at nakatuon sa turismo
โข May kaukulang pahintulot mula sa mga taong makikita sa video, kung kinakailangan
โข Hindi naglalaman ng mapanira, mapang-abuso o maling impormasyon tungkol sa isang tao, grupo o lugar
โข Hindi kumokopya o gumagaya sa gawa ng iba
๐จ PAGPAPASA NG ENTRIES:
Personal na isusumite ang video sa tanggapan ng Tourism Office na matatagpuan sa 3rd Floor ng New Municipal Building.
๐
Submission Period:
September 9โ24, 2026
Ang mga mapipiling video ay maaaring i-feature sa official social media platforms ng Municipal Tourism, Culture and Arts Office at magamit bilang youth-generated tourism promotional materials.
Malaki ang bahagi ng kabataan sa kung paano nakikilala ng mundo ang isang lugar. Sa panahon kung saan malawak na ang reach ng social media, may pagkakataon ang kabataan na gamitin ang kanilang talento sa video-making, storytelling, photography, editing at digital content creation upang maipakita ang Binangonan sa paraan na sila mismo ang nakakakita at nakakaranas.
Ang magagandang kwento ay hindi kailangang hanapin sa malayo. Nandito lang. Nakikita araw-araw. At ngayon, maaaring ikuwento sa mundo sa mata ng kabataan.
๐