Justice Jose Abad Santos General Hospital - Manila

Justice Jose Abad Santos General Hospital - Manila The official page of
JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL
headed by:
TEODORO E.
(1)

MARTIN, MD, FPPS, MBA, MHA
under the leadership of
Mayor FRANCISCO "Isko Moreno" DOMAGOSO MISSION:
A model district hospital with the mission to:
· Deliver quality, patient-centered, equitable and coordinated health care to Manilans by competent, compassionate and coring health care providers using appropriate equipment and facility
· Create an environment conducive to professional growth, tra

ining and relevant research
· Promote safety, health and wellness among its personnel and the community, with consultation and participation of stakeholders

VISION:
A World Class Health Facility centered on excellence, quality and compassionate health care by 2030

CORE VALUES:
Model Public Servant
Accountable
God-Fearing
Nurturing
Inclusive
Fair
Integrity
Committed
Excellent
Nationalistic
Teamwork

QUALITY POLICY STATEMENT:
Justice Jose Abad Santos General Hospital, a Level I government medical institution of the City of Manila, is committed to deliver prompt, precise, and patient-focused quality healthcare provided by competent and compassionate professionals; well supported by world-class equipment in a safe, healthy, clean and green facility; adhering to established local and international standards towards continual improvement and responsive to the vision and mission of Magnificent Manila 2030

BLOOD LETTING ACTIVITY 🩸Be a hero. Save lives through blood donation!The Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJAS...
11/08/2026

BLOOD LETTING ACTIVITY 🩸

Be a hero. Save lives through blood donation!

The Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) invites all qualified donors to participate in our Blood Letting Activity on:

📅 August 12, 2026
⏰ 8:00 AM – 2:00 PM
📍 JJASGH Conference Room, 3rd Floor

Every blood donation can help save the lives of patients in need. Your simple act of kindness can make a meaningful difference to someone’s life.

Donor Qualifications:
✔️ 18–60 years old
✔️ At least 50 kg in weight
✔️ In good health condition
✔️ With at least 5 hours of sleep
✔️ No alcohol intake 24 hours prior to donation
✔️ Bring a valid ID

We encourage all eligible donors to take part and help ensure an adequate blood supply for our patients.

Donate blood. Give hope. Save lives. ❤️🩸

09/08/2026
PANAWAGANAng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ay magalang na humihingi ng tulong sa publiko kaugnay ng...
29/07/2026

PANAWAGAN

Ang Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ay magalang na humihingi ng tulong sa publiko kaugnay ng pagpanaw ni ELIZA MIRANDA, limampu't siyam (59) na taong gulang, noong Hulyo 17, 2026.

Kami po ay humihingi ng tulong sa sinumang nakakakilala o may anumang impormasyon tungkol sa kanyang mga kamag-anak na pinaniniwalaang naninirahan sa 523 Bustos Street, Sta. Cruz, Manila, na makipag-ugnayan sa aming ospital sa lalong madaling panahon.

Ang aming Medical Social Service Section ay matatagpuan sa Room 15, Ground Floor, Justice Jose Abad Santos General Hospital. Maaari rin po kayong makipag-ugnayan sa contact number na (0956 190 0728) para sa Medical Social Service.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at tulong.

52nd Nutrition Month Celebration 2026 | Justice Jose Abad Santos General Hospital 🥗Nakikiisa ang Justice Jose Abad Santo...
24/07/2026

52nd Nutrition Month Celebration 2026 | Justice Jose Abad Santos General Hospital 🥗

Nakikiisa ang Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) sa pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month sa pangunguna ng ating Nutrition and Dietetics Section, na matagumpay na nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad upang palaganapin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, aktibong pamumuhay, at pangangalaga sa kalikasan.

📅 Day 1 – OPD Lay Forum
Noong Hulyo 16, 2026, isinagawa sa JJASGH Out-Patient Department (OPD) ang Lay Forum na may temang “Luntiang Nutrisyon: Alaga sa Kalikasan, Alaga sa Kalusugan.” Mula ika-2:00 ng hapon hanggang ika-3:30 ng hapon, nagkaroon ng makabuluhang talakayan para sa ating mga pasyente at bisita tungkol sa kahalagahan ng masustansyang pagkain at responsableng pangangalaga sa kapaligiran. Naging mas masaya at interaktibo ang programa sa pamamagitan ng NutriQuiz, kung saan nagwagi ang ilang kalahok at nakatanggap ng mga papremyo mula sa ating Nutrition and Dietetics Section.

📅 Day 2 – Culminating Activities
Noong Hulyo 23, 2026, ginanap sa Pedro Guevarra Elementary School Gymnasium ang Culminating Activities ng Nutrition Month. Sinimulan ang araw sa isang masiglang Zumba Session mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-10:00 ng umaga upang hikayatin ang lahat sa isang aktibong pamumuhay. Sinundan ito ng iba’t ibang programa mula ika-11:00 ng umaga hanggang ika-2:00 ng hapon, kabilang ang mga palaro, food tasting booths, at iba pang gawaing nagbigay-kaalaman at kasiyahan sa mga kalahok bilang suporta sa adhikain ng 52nd Nutrition Month.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng JJASGH sa ating Nutrition and Dietetics Section sa kanilang dedikasyon, sipag, at matagumpay na pagsasagawa ng mga aktibidad na nagbigay inspirasyon sa ating komunidad na pahalagahan ang wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay.

Lubos din po naming pinasasalamatan ang ating Chief of Hospital, Dr. Teodoro E. Martin, sa kanyang patuloy na suporta at paggabay sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng ating mga pasyente, empleyado, at komunidad.

Sama-sama nating isulong ang wastong nutrisyon para sa mas malusog na kinabukasan! 💚🌱🥦





48th National Disability Rights WeekJuly 17–23, 2026The Justice Jose Abad Santos General Hospital proudly joins the nati...
20/07/2026

48th National Disability Rights Week
July 17–23, 2026

The Justice Jose Abad Santos General Hospital proudly joins the nation in celebrating the 48th National Disability Rights Week, pursuant to Proclamation No. 157, s. 2024, with the theme:

“Rights First, Legislation Forward – Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development.”

This observance highlights the importance of upholding the rights, dignity, and well-being of Persons with Disabilities (PWDs). As a healthcare institution committed to equitable and accessible services, JJASGH supports initiatives that promote inclusion, accessibility, and equal opportunities for all members of society.

Together, let us continue to advocate for a more inclusive community where every individual is empowered to participate, contribute, and thrive.






CLEAN-UP DRIVE | Hulyo 18, 2026 🌿🧹Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapanatili ang isang malinis, ligtas, ...
18/07/2026

CLEAN-UP DRIVE | Hulyo 18, 2026 🌿🧹

Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapanatili ang isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa ating mga pasyente, empleyado, at mga bisita, matagumpay na nagsagawa ng Clean-Up Drive ang mga kawani ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ngayong araw, Hulyo 18, 2026.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at pakikiisa ng bawat isa, nais nating mapanatili ang kalinisan ng ating ospital at kapaligiran bilang bahagi ng ating pangako sa pagbibigay ng de-kalidad at ligtas na serbisyong pangkalusugan.

Maraming salamat sa lahat ng mga kawani at volunteers na naglaan ng kanilang oras at pagsisikap upang maging matagumpay ang gawaing ito. Ang bawat maliit na hakbang tungo sa kalinisan ay malaking ambag para sa kalusugan at kapakanan ng ating komunidad.

Sama-sama para sa isang malinis, ligtas, at mas maayos na JJASGH! 💚

Practice IPC, Para ’Di Magsisi! 🩺🧼Bilang pagdiriwang ng Infection Prevention and Control (IPC) Week 2026 na may temang “...
16/07/2026

Practice IPC, Para ’Di Magsisi! 🩺🧼

Bilang pagdiriwang ng Infection Prevention and Control (IPC) Week 2026 na may temang “Building Responsive IPC Systems: Strengthen, Standardize, Collaborate, and Build Resilience,” nagsagawa ang Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) Hospital Infection Prevention and Control Unit (HIPCU) ng dalawang information and awareness seminars para sa mga pasyente at mga kawani ng ospital.

Sa seminar para sa mga pasyente, tinalakay ang W.I.L.D. acronym na tumutukoy sa mga karaniwang sakit tuwing tag-ulan: Water-Borne Diseases, Influenza-like Illnesses, Leptospirosis, at Dengue. Nagbigay rin ng mahahalagang impormasyon kung paano maiiwasan at mapangangalagaan ang kalusugan laban sa mga sakit na ito.

Samantala, para sa mga kawani ng ospital, nagsagawa ang HIPCU ng seminar tungkol sa mga pangunahing Infection Prevention and Control (IPC) practices, kabilang ang wastong paghuhugas ng kamay, tamang paggamit ng personal protective equipment (PPE), at iba pang mahahalagang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon. Tinalakay rin ang mga dapat tandaan hinggil sa mga muling lumilitaw na nakahahawang sakit, kabilang ang COVID-19.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang ng IPC Week, patuloy na pinaaalalahanan ang lahat na maging mapagmatyag at responsable sa pagsunod sa mga infection prevention measures. Ang simpleng pagsunod sa tamang kalinisan, paggamit ng PPE, at pagsunod sa isolation guidelines ay malaking hakbang upang maprotektahan ang ating sarili, pamilya, at komunidad laban sa mga nakahahawang sakit.





09/07/2026

📢 PANAWAGAN SA PUBLIKO

Ang Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ay humihingi ng tulong sa publiko upang matukoy ang pagkakakilanlan at mahanap ang mga kaanak ng isang John Doe (walang pagkakakilanlan) na naidala sa aming Emergency Room.

Ayon sa ulat, siya ay natagpuan sa tapat ng PNB San Fernando Branch, Binondo, Maynila, at agad na tinulungan ng mga opisyal ng Barangay 282 upang mabigyan ng paunang lunas at maisugod sa aming pagamutan. Sa kabila ng agarang medikal na atensyon na ibinigay, siya ay pumanaw noong Hunyo 5, 2026.

Kung may nakakakilala sa kanya o may anumang impormasyon na makatutulong upang mahanap ang kanyang mga kamag-anak, hinihiling namin na makipag-ugnayan sa aming Medical Social Service Section sa pamamagitan ng opisyal na page ng Justice Jose Abad Santos General Hospital o direktang bumisita sa aming tanggapan.

Inaanyayahan din namin ang publiko na ibahagi ang post na ito upang mas marami ang makaratingan ng impormasyon at makatulong sa paghahanap sa kanyang mga kaanak.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa, malasakit, at suporta.

🌿 "𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧" 🌿Makiisa sa pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month 2026 ng Justice Jose Abad ...
08/07/2026

🌿 "𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧" 🌿

Makiisa sa pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month 2026 ng Justice Jose Abad Santos General Hospital!

Inaanyayahan namin ang lahat na maging bahagi ng ating mga inihandang gawain na naglalayong isulong ang wastong nutrisyon, aktibong pamumuhay, at pangangalaga sa ating kalikasan.

📅𝐇𝐔𝐋𝐘𝐎 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐇𝐔𝐖𝐄𝐁𝐄𝐒)
📍 Out-Patient Department (OPD), Justice Jose Abad Santos General Hospital
🕑 2:00–3:30 PM

OPD LAY FORUM
Luntiang Nutrisyon: Alaga sa Kalikasan, Alaga sa Kalusugan

📅𝐇𝐔𝐋𝐘𝐎 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐇𝐔𝐖𝐄𝐁𝐄𝐒)
📍 Gymnasium, Pedro Guevarra Elementary School

🕘 9:00–10:00 AM
ZUMBA SESSION

🕚 11:00 AM–2:00 PM
CULMINATING ACTIVITIES
May mga palaro, food tasting booths, at iba pang masasayang aktibidad!

Isama ang inyong pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan at sama-sama nating ipagdiwang ang Nutrition Month. Matuto, makiisa, at magsaya habang isinusulong natin ang mas malusog na pamumuhay at pangangalaga sa ating kapaligiran.

Kita-kits, mga Ka-JJASGH!

CLEAN-UP DRIVE | July 4, 2026 ✨🧹As part of our continuing commitment to maintaining a clean, safe, and healthy environme...
05/07/2026

CLEAN-UP DRIVE | July 4, 2026 ✨🧹

As part of our continuing commitment to maintaining a clean, safe, and healthy environment for our patients, staff, and visitors, the Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) successfully conducted a Clean-Up Drive last, July 4, 2026.

Through the collective efforts and cooperation of our dedicated personnel, we helped ensure that our hospital surroundings remain orderly and conducive to quality healthcare service.

Together, let us continue to promote cleanliness, environmental responsibility, and community well-being.

“A clean hospital is a healthier hospital.” 💚

Address

Numancia Street
Binondo
1006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Justice Jose Abad Santos General Hospital - Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Justice Jose Abad Santos General Hospital - Manila:

Shortcuts

Share