06/09/2026
Noong nakaraang biyernes Setyembre 4, 2026 ay nakipagpulong ang ilang miyembro ng 17th Sangguniang Panlalawigan sa Pangunguna ni Gobernador Mel Go. Kasama din sa pagpupulong ang napakagandang Mayora ng Sta. Cruz Mayor Marisa Red at si Konsehal Revo Red upang pakinggan ang panukala ng ENVOTEC na isang kompanya na nakabase sa Singapore.
Ang naturang panukala ay ang posibilidad na rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga nasira ng MARCOPPER noong Marso 24, 1996. Ayon sa kanila ay dapat simulan ang rehabilitasyon sa mismong dam kung saan ay patuloy na tumatagas ang kemikal pababa ng kailugan ng Mogpog at Boac. Ayon din sa ENVOTEC hindi dredging at river clean-up ang sagot dito. Nagkaroon sila ng paunang pagsusuri sa Sta. Cruz partikular sa Tapian Pit (Open-Pit Mine) at Magilagila Dam (Siltation Dam) at nakita ang mga bitak sa ibat-ibang bahagi ng dam na posibleng magdulot ng trahedyang maihahalintulad sa nangyari sa bansang Nepal.