11/05/2022
MARAMING SALAMAT SA PAGTINDIG, VOLUNTEERS!
“Mayroong mas malalaki pang laban. ‘Yung laban natin, hindi naman natatapos sa halalang ito. Maraming matang namulat; maraming diwang nagising.” - VP Leni Robredo
Hindi dito natatapos ang ating mahusay na pamumuno at matibay na puso. Hindi dito natatapos ang serbisyo para sa taong bayan. Wala pa ring bibitaw. Sa huli, pagmamahal sa Pilipinas at sa mga Pilipino ang mananaig.
Ang Dapat Si Leni Oriental Mindoro ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong suporta – mula sa ating volunteers, mga estudyante, g**o, propesyunal, magulang, sa mga nagtiwala at sa lahat ng nakiisa sa ating makabuluhang pagbabayanihan!
Hindi madali ang lahat ng ito dahil sa naglipanang fake news, mga malisyosong mga pahayag, ganoon rin ang patuloy na paniniil sa mga taong patuloy na tumitindig. Ngunit gaya ng ating sinabi, hindi rito natatapos ang laban.
Maraming salamat sa pagsama at pagtindig sa labang ito. Mas marami pa tayong kakaharapin, at isa kami sa makakasama ninyo. Mayroon pang liwanag sa dilim. Oo, isa ka sa liwanag na ito.
Hindi kami magpapaalam, dahil patuloy kaming titindig kasama ninyo. 🌸💗🇵🇭
DSL HUSAY AT TIBAY PILIPINAS.