PSA Mountain Province

PSA Mountain Province The official page of PSA Mountain Province.

28/08/2026

๐’๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐ค๐š๐ฌ: ๐“๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ก๐š๐ฒ: ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ˆ ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐’๐ข๐›๐ข๐ฅ

Bilang bahagi ng Buwan ng Wikang Pambansa, nag-level up ang mga kawani ng PSAโ€“Mountain Province mula data mode to performance mode. Sa pamamagitan ng Sabayang Pagbigkas, bawat yunit ay nagpakitang-gilas sa pag-uugnay ng kanilang mga tungkulin sa wika, datos, teknolohiya, at serbisyong pampubliko, patunay na sa PSA, hindi lang numbers ang may bilang, pati acting skills.

Civil Registration: Ang Lifetime Tracker ng buhay ng tao. Mula sa unang uha hanggang sa huling hininga, updated ang PSA.

๐Ÿ’ Isinilang ka? May Birth Certificate
๐Ÿ’ Nagmahal at nagpakasal? May Marriage Certificate
๐Ÿ’ Pumunta sa kabilang buhay? May Death Certificate

Kaya kung sinabihan ka man ng ex mo na "Wala kang resibo sa buhay ko," chill ka lang. Baka hindi ka lang na-requestan ng CENOMAR. Sa Civil Registration, bawat plot twist ng buhay mo ay may opisyal na tala para protektado ang 'yong pagkakakilanlan at karapatan.

At dahil 2026 na, hindi puwedeng walang AI. Wikang Filipino + AI = power duo para sa mas malinaw na impormasyon at mas episyenteng serbisyo. Kaya ang final message ng PSA-Mountain Province: โ€œCivil Registration ng PSA, katuwang sa bawat yugto ng buhay. Isang tala, isang wika, isang teknolohiya tungo sa maunlad na Pilipinas!โ€

๐๐ข๐จ๐ฆ๐ž๐ญ๐ซ๐ข๐œ ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐Œ๐ฎ๐ค๐ก๐š ๐š๐ญ ๐ƒ๐š๐ฅ๐ข๐ซ๐ข, ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐๐š๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ขBilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pamba...
28/08/2026

๐๐ข๐จ๐ฆ๐ž๐ญ๐ซ๐ข๐œ ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐Œ๐ฎ๐ค๐ก๐š ๐š๐ญ ๐ƒ๐š๐ฅ๐ข๐ซ๐ข, ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐๐š๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ข

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, itinatampok ng PSA-Mountain Province ang Biometric Information bilang mahalagang bahagi ng National ID System at sa pagtupad ng ahensya sa mandato nitong tiyakin ang maaasahang pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.

Ang Biometric Information ay tumutukoy sa mga natatanging katangian ng isang tao mula sa guhit ng mga daliri hanggang sa anyo ng mukha na ginagamit upang makatulong sa mas maaasahang pagpapatunay ng pagkakakilanlan.

Dahil bawat tao ay may sariling mukha at sariling fingerprint, walang โ€œcopy-pasteโ€ sa pagkakakilanlan.

Kaya kapag National ID ang usapan, hindi sapat ang โ€œKamukha ko lang siya!โ€ mahalaga ang tamang datos at wastong pagkakakilanlan.

27/08/2026
๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐๐ซ๐š๐ฌ๐จ: ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐šBilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikan...
27/08/2026

๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐๐ซ๐š๐ฌ๐จ: ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, naglaban-laban sa lakas, tiyaga, at tibay ng braso ang mga lalaking kawani ng PSA-Mountain Province sa isinagawang larong โ€œPunong Braso.โ€

Hindi lamang lakas ng braso ang nasubok sa paligsahan, kundi maging ang tapang, disiplina, determinasyon, at sportsmanship ng bawat kalahok. Sa bawat tulak at pag-igpaw ng braso, kapansin-pansin ang matinding kompetisyon ngunit higit na namayani ang pagkakaisa at masayang samahan ng mga kawani.

Layunin ng gawain na linangin ang pisikal na lakas at tibay, gayundin ang mapaunlad ang disiplina, pakikipagtulungan, at positibong pakikipagkompetensiya sa hanay ng mga empleyado.

Sa larong ito, hindi sapat ang malakas na salita, kailangan ding malakas ang braso. Ngunit higit sa pagkapanalo, ipinakita ng mga kalahok na ang tunay na lakas ay hindi lamang nasusukat sa laki ng braso, kundi sa puso, determinasyon, at pagkakaisa.

Sa huli, naging mas masigla ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng isang gawaing pinagsama ang kultura, kasiyahan, pagkakaibigan, at kaunting pagyayabang sa lakas ng braso.

Dahil sa PSAโ€“Mountain Province, ang pagdiriwang ng wika ay hindi lamang salita nang salita, may โ€œbrasoโ€ ring kumikilos.

27/08/2026

๐’๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐ค๐š๐ฌ: ๐€๐ง๐  ๐‹๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ญ๐จ๐ฌ - ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐€๐๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐›๐จ, ๐–๐ข๐ค๐š, ๐š๐ญ ๐“๐ž๐ค๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ก๐ข๐ฒ๐š

Hindi man sila laging nasa harap ng kamera, sila naman ang nasa likod ng bawat dokumento, bawat transaksiyon, at bawat serbisyong maayos na naihahatid.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, nagsagawa ang mga kawani ng PSAโ€“Mountain Province ng sabayang pagbigkas kada yunit upang maipakita kung paano nakaugnay ang kanilang mga tungkulin sa tema ng pagdiriwang.

Sa pagkakataong ito, tampok ang Administrative and Finance Unit, ang mga lingkod-bayang tahimik na kumikilos ngunit malaking bahagi ng bawat matagumpay na operasyon. Sila ang mga haligi ng PSA Montaรฑosa. Sila ang mga tagapangalaga ng mga dokumento, tagapag-ayos ng mga transaksiyon, tagabantay ng pondo, at katuwang sa pagpapatakbo ng opisina.

At siyempre, hindi mawawala ang teknolohiya. Sa panahong ang datos ay hindi na lamang binibilang kundi pinoproseso, sinusuri, at pinapadali sa tulong ng makabagong teknolohiya, patuloy na umaangkop ang serbisyong administratibo sa makabagong panahon.

Sa kanilang mensahe: Ang Wikang Filipino at teknolohiya ay magkasangga tungo sa mahusay, episyente, at makabagong administrasyon.

Dahil sa PSA, hindi lang datos ang pinapagana kundi pati opisina.

27/08/2026
๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ˆ๐ƒ๐’๐š๐›๐ข๐ก๐š๐ง: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ƒ, ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐๐š๐ฅ๐ขIsang ID, isang pagkakakilanlan, mas kaunting โ€œSir/Maโ€™am, ano po uli...
27/08/2026

๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ˆ๐ƒ๐’๐š๐›๐ข๐ก๐š๐ง: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ƒ, ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐๐š๐ฅ๐ข

Isang ID, isang pagkakakilanlan, mas kaunting โ€œSir/Maโ€™am, ano po ulit ang pangalan?โ€

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, itinatampok ng PSAโ€“Mountain Province ang isang makabuluhan na National ID kasabihan dahil ang wika ay para sa pagkakaunawaan, at ang National ID ay para sa mas madaling pagkakakilanlan.

โ€œNational ID ay taglay, pagkakakilanlan ay tunay; serbisyong kailangan, mas madaling makamtan.โ€

Sa bawat transaksiyon, mahalaga ang tamang pagkakakilanlan. Sa tulong ng National ID, mas madali ang pagpapatunay kung sino ka at mas napapadali ang pag-access sa ibaโ€™t ibang serbisyong nangangailangan ng beripikadong pagkakakilanlan.

Kaya huwag nang mag- โ€œAko po โ€˜yan!โ€ nang paulit-ulit. May National ID ka na, may patunay ka pa.

#๐•€๐”ปโ„•๐•’๐•ฅ๐•š๐•Ÿ

Address

Bontoc

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PSA Mountain Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PSA Mountain Province:

Shortcuts

Share