07/08/2026
August 5–6, 2026 | 2-Day Continuing Professional Education on Strategic Talent Acquisition: A Competency-Based Approach to Recruitment, Selection and Placement
Noong ika-5 hanggang ika-6 ng Agosto 2026, sa patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Botolan sa professional development at pagpapalakas ng kakayahan ng mga kawani, dumalo ang delegasyon ng LGU Botolan sa dalawang araw na Continuing Professional Education on Strategic Talent Acquisition: A Competency-Based Approach to Recruitment, Selection and Placement, na ginanap sa Pampanga.
Ang pagdalo ng delegasyon ay isinagawa sa suporta ni Municipal Mayor Hon. Jun Omar C. Ebdane, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang bayan na magkaroon ng isang competent, responsive, at service-oriented workforce.
Bagama’t hindi nakadalo si HRMO V Maria Nicholette C. Rojo, ipinakita niya ang kaniyang suporta sa pamamagitan ng pagpapadala sa kaniyang mga staff na nagsisilbi ring katuwang ng Human Resource Merit Promotion and Selection Board (HRMPSB) bilang Secretariat. Pinangunahan ni HRMO II Jeselle D. Dajano ang delegasyon, kasama sina Ms. Jesselle M. Rebose at Mr. Andy D. Diomino mula sa HRMO, at Ms. Jeanne May Diaz, isa sa mga miyembro ng HRMPSB.
Ang seminar ay isinagawa sa pangunguna ng Council of Human Resource Management Practitioners – Zambales-Olongapo City Chapter, sa pamumuno ni Ms. Stephanie Niña N. Navarro, DPA, CHRA, CTP, President ng Council of Personnel Officers, Zambales-Olongapo City Chapter.
“How important is it for an agency to select the right person for the right position in the right organization?”
Ito ang isa sa mga unang tanong na pumukaw sa atensyon ng mga delegado.
Sinundan pa ito ng mga tanong na nagbigay-diin sa kahalagahan ng isang mas makabuluhan at objective na proseso ng recruitment at selection:
“Sapat na ba na bachelor’s degree holder ang isang aplikante? Sapat na ba ang maraming taong experience? Ang pagkakaroon ng napakaraming training? Ang pagkakaroon ng eligibility?”
At higit sa lahat:
“Paano kung taglay ng isang aplikante ang lahat ng qualification standards para sa posisyon, ngunit hindi naman pala taglay ang mga kinakailangang competencies upang maging epektibo sa trabaho?”
Sa loob ng dalawang araw, tinalakay sa pangunguna ni Subject Matter Expert Ms. Marigrace B. Asuncion ang competency-based approach sa recruitment, selection, at placement, kabilang ang pagtukoy sa mga kinakailangang core, leadership, at functional competencies para sa bawat posisyon at ang paggamit ng mas objective at evidence-based na pamamaraan sa pagsusuri ng mga aplikante.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng isang maayos at competency-based na Recruitment, Selection, and Placement (RSP) process sa mga lokal na pamahalaan at organisasyon upang matiyak na ang napipiling aplikante ay hindi lamang qualified, kundi competent at angkop para sa posisyon.
Samantala, sa pangunguna ni Assistant Regional Director at Concurrent Provincial Director Randy C. Tababa ng CSC Field Office, Zambales, tinalakay rin ang kahalagahan ng patuloy na pag-angkop at pag-modernize ng Civil Service upang higit na mapalakas ang merit, fairness, objectivity, at competency sa mga proseso ng pamahalaan.
Sa pagtatapos ng dalawang araw na learning session, isang tanong ang iniwan sa bawat delegado—isang tanong na hindi lamang para sa mga aplikante, kundi para rin sa bawat kawani na kasalukuyang naglilingkod:
“Ngayon, itanong nga natin sa ating mga sarili: Ako ba ang tamang napili para sa posisyon ko ngayon? Karapat-dapat ba ako sa aming organisasyon?”
Dahil sa huli, ang pagiging qualified ay maaaring magsimula sa pagkakaroon ng tamang degree, training, experience, at eligibility. Ngunit ang pagiging competent ay patuloy na pinatutunayan sa pamamagitan ng kakayahan, pag-uugali, pagganap, at kahandaang maglingkod.