16/08/2023
MALIGAYANG KAPISTAHAN, SAN ROQUE!
Tanyag na patron si San Roque ng mga may sakit at laban sa salot tulad ng epidemya at pandemya tulad ng COVID-19 na nanalasa sa atin sa loob ng dalawang taon. Patron din siya sa maling pag-aakusa, hindi binibigyan ng halaga, at mga batsilyer. Kinikilala rin siyang patron ng mga a*o dahil sa kakaibang kwento na bahagi ng kaniyang banal na buhay kasama ang a*o.
Ang buhay ni San Roque ay tunay ngang huwaran hindi lamang sa kabanalan, pati na rin sa kababaang loob. Tulad niya, tahimik nating isapuso at isabuhay ang Salita ng Diyos para sa ikauunlad ng ating makabuluhang pamumuhay.
San Roque na aming patron,
Sa Diyos, turuan kaming tumuon.
Ingatan nawa ang aming bayan,
Ilayo sa sakit at karamdaman
At panatilihin kami sa kabanalan.
Source: Talambuhay ni San Roque. (2023, August 15). https://www.olamarikina.com.ph/talambuhay-ni-san-roque
Tayo nawa'y patuloy na maging kawangis ni San Roque sa pagiging tapat na alagad ni Kristo, at dakilang tagapaglingkod sa iba.
Viva, San Roque!