09/09/2026
TINGNAN | HINUBOG NG KASAYSAYAN, PINATATAG NG WIKA ๐ต๐ญ
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan at Buwan ng Wika, naging makabuluhang bahagi ng paggunita sa San Rafael National High School ang pagbabalik-tanaw sa mahahalagang yugto ng ating kasaysayan at ang pagbibigay-halaga sa wikang nagsisilbing salamin ng ating pagkakakilanlan.
Sa isinagawang lecture forum na may temang โHinubog ng Bayan, Dinuyan ng Alon,โ binigyang-diin ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang makabuluhang timeline. Mula sa Galleon Trade (1565โ1815) hanggang sa pagkamit ng kasarinlan noong Hulyo 4, 1946, ipinakita kung paano naging mahalagang bahagi ng ating kasaysayan ang dagat bilang daan ng paglalakbay, pakikipagkalakalan, at pagbabago.
โ๐๐๐ ๐น๐ถ๐๐ถ๐ ๐ถ๐ ๐ฝ๐พ๐๐น๐พ ๐
๐ถ๐๐๐ถ๐๐ถ๐
๐๐, ๐๐๐๐น๐พ ๐พ๐๐ถ๐๐ ๐๐พ๐๐ท๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐ถ๐๐๐๐ ๐๐ถ๐๐น๐ถ๐.โ ๐
Gayundin, ipinagdiwang ang Buwan ng Wika, isang taunang pagdiriwang tuwing Agosto na naglalayong bigyang-halaga ang wikang Filipino at ang mayamang kultura at iba't ibang wika ng ating bansa.
Sa pamamagitan ng mga gawain at aktibidad, nabigyang-diin ang kahalagahan ng wika bilang bahagi ng ating pagkakakilanlan, kultura, kasaysayan, at pagkakaisa bilang isang sambayanan. Bilang pagkilala sa aktibong pakikilahok, ginawaran din ng mga parangal ang mga g**o at mag-aaral na naging bahagi ng mga isinagawang aktibidad.
Sa paggunita sa ating kasaysayan at pagpapahalaga sa ating wika, nawa'y patuloy nating gamitin ang ating talino, kaalaman, at sariling wika para sa kapakanan ng bayan.
Sapagkat ang kasaysayan ang humuhubog sa ating pagkatao, at ang wika ang nag-uugnay sa ating pagkakakilanlan.
MABUHAY ANG KASAYSAYAN!
MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO!
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐ต๐ญ
๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐ฃ, ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐ฃ! ๐ต๐ญ
๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐ฌ, ๐๐๐ฃ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ฃ๐จ!
๐ธ Helyza Faith G. Bautista | SSLG Vice President
๐Cloud Jairus M. Araneta | Publicity Committee