10/10/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
.๐. ๐๐๐๐
Matagumpay na naisagawa ang Budget Hearing para sa Taong 2027 ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.
Sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Igg. Cipriano D. Violago, Jr., at Pangalawang Punong Bayan, Igg. Edison M. Veneracion, masusing pinag-aralan at binalangkas ang pondo ng bayan sa ilalim ng pamumuno ng Tagapangulo ng Committee on Finance, Budget and Appropriations, Igg. Edlin M. Indon, kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan.
Buong-puso ring dinaluhan at nakiisa ang mga hepe at kinatawan ng bawat tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael upang masiguro na ang bawat pondo para sa darating na taong 2027 ay nakalaan sa mga programa at serbisyong tunay na makatutulong sa bawat mamamayan ng San Rafael.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa para sa isang maayos, tapat, at transparent na pampublikong paglilingkod!