03/07/2026
Sa inisyatiba ng Schools Division of San Jose del Monte at pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Brgy. Sto. Cristo, naisagawa kaninang umaga, Hulyo 3, 2026, ang βLIGTAS SA PAARALAN UGNAYAN SA BARANGAYβ sa session hall ng Brgy. Sto. Cristo.
Dumalo sa nasabing pulong sina Mam Mary Ann M. Niera, Public Schools District Supervisor (PSDS), Sir Donn Uriel D. Buenaventura, Principal, Sto. Cristo National Highschool at Mam Carolyn W. Oliveros, Principal, Towerville Elementary School, iba pang officials ng Schools Division of San Jose del Monte at ang buong Sangguniang Barangay ng Brgy. Sto. Cristo sa pangunguna ni PB Eufronio B. Avena.
Layunin nito ay:
β’ Mapag-usapan ang kinakaharap na konteksto ng mga paaralan pagdating sa safety, security, health at suportang maibibigay sa paaralan
β’ Makagawa ng konkretong plano at aksyon para sa bawat paaralan naayon sa konteksto ng bawat paaralan
β’ Magkaroon ng regular na ugnayan mula sa paaralan sa pangunguna ng School Governance Council ( SGC), Barangay kasama ang SPTA, Ibang organisasyong makakatulong para sa kaligtasan ng mga paaralan
Mga napag-usapan at napagtuunan ng pansin ang:
β’ Mga nakukuhang deadly weapon sa mga bata
β’ Bullying, mga abangan sa labas ng paaralan
β’ Mga grupo ng kabataang nagsisimula ng gulo sa loob at labas ng paaralan
β’ Mga batang may bisyo, va**ng, alak, paninigarilyo, at paggamit ng pinagbabawal na gamot
β’ Mga tulong mula sa barangay kapag walang guardian ang mga mag-aaral
Kasama ring napag-usapan ang:
β’ Suporta mula sa barangay sa disiplina sa komunidad
β’ Pagpapaigting ng curfew
β’ Pagpapaigting ng pagbabantay sa mga computer shops sa oras ng klase
β’ Mga emergency case na walang mga magulang ang mga bata
β’ Regular na police visibility sa bawat paaralan , mga barangay tanod sa pagbabantay sa mga paaralan tuwing pasukan, uwian
β’ Mga suporta para sa mas malusog na mag-aaralβ bawal magbenta ng alak or sigarilyo sa mga nasasakupan
β’ Pagmamaneho ng motor na walang kaukulang lisensya
β’ Patuloy na edukasyon sa mga magulang tungkol sa karahasan sa loob ng tahanan, suporta sa pagtiyak na walang dalang nakakamatay na bagay ang kanilang mga anak
β’ Pagsuporta sa mental health ng mga bata gayundin ang mga magulang
SA pagtatapos ng pulong, nagbigay ng commitment ang bawat isa na maghahanda ng action plans at patuloy na pakikipag-ugnayan upang mapanatili ang isang magandang programa ng Department of Education tungo sa LIGTAS SA PAARALAN sa pakikipagtulungan ng Brgy. Sto. Cristo.