Persons with Disability Affairs Office Marilao

Persons with Disability Affairs Office Marilao Aims to create a safe and inclusive space for PWDs in the community.

πŸ“’ PWD ID APPLICATION, RENEWAL, AT REPLACEMENT NG LOST IDInaanyayahan ang lahat ng Persons with Disability (PWD) na nais ...
25/08/2026

πŸ“’ PWD ID APPLICATION, RENEWAL, AT REPLACEMENT NG LOST ID

Inaanyayahan ang lahat ng Persons with Disability (PWD) na nais mag-apply, mag-renew, o mag-request ng replacement para sa nawawalang PWD ID na ihanda ang mga sumusunod na requirements:

βœ… NEW APPLICATION
β€’ Accomplished Application Form
β€’ Medical Certificate / Certificate of Disability – updated at certified by the Specialist Doctor
β€’ Two (2) pieces 2x2 picture
β€’ Barangay Certification – Proof of Residency
β€’ Photocopy of Valid ID at Birth Certificate
β€’ Specimen Signature na nakasulat sa malinis na Β½ bond paper

πŸ”„ RENEWAL
β€’ Accomplished Application Form
β€’ Medical Certificate / Certificate of Disability – updated at certified by the Specialist Doctor
β€’ Two (2) pieces 2x2 picture
β€’ Barangay Certification – Proof of Residency
β€’ Specimen Signature na nakasulat sa malinis na Β½ bond paper
β€’ Photocopy of Valid ID at Birth Certificate

πŸͺͺ LOST PWD ID
β€’ Accomplished Application Form
β€’ Affidavit of Loss
β€’ Medical Certificate / Certificate of Disability – updated at certified by the Specialist Doctor
β€’ Two (2) pieces 2x2 picture
β€’ Barangay Certification – Proof of Residency
β€’ Photocopy of Valid ID at Birth Certificate

πŸ“… SCHEDULE NG PAG-APPLY:
Lunes hanggang Huwebes
πŸ•– 7:00 AM – 6:00 PM

πŸ“ Persons with Disability Affairs Office
Municipality of Marilao
Patubig, Marilao, Bulacan

πŸ“§ Email: [email protected]
[email protected]
πŸ“˜ page: Persons with Disability Affairs Office-Marilao

πŸ“Œ PAALALA: Mangyaring dalhin ang kumpletong requirements upang maiwasan ang abala at mapabilis ang proseso ng inyong aplikasyon.

πŸ’— KASAMA KA. KABILANG KA. MAHALAGA KA.
Ang PWD ID ay bahagi ng pagkilala sa inyong mga karapatan at access sa mga benepisyong nakalaan para sa mga kwalipikadong Persons with Disability.

Para sa isang mas inklusibo, accessible, at maunlad na Marilao!


Isang taos-pusong pagbati sa ating mga Natatanging Persons with Disabilities (PWDs) na ginawaran ng pagkilala bilang pag...
20/07/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga Natatanging Persons with Disabilities (PWDs) na ginawaran ng pagkilala bilang pagpupugay sa kanilang katatagan, dedikasyon, at mahalagang ambag sa ating komunidad. Kayo ay tunay na inspirasyon at patunay na ang kakayahan, determinasyon, at malasakit ay walang hangganan. 🌸🩷

🩷 Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Marilao, sa pamumuno ng ating butihing Mayor Atty. Jemina M. Sy, Vice Mayor Ariel Amador, at sa buong Sangguniang Bayan ng Marilao, sa kanilang walang sawang suporta, pagkilala, at malasakit sa sektor ng Persons with Disabilities. Ang inyong patuloy na pagtataguyod ng isang inklusibo at mapagmalasakit na pamayanan ay nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa bawat PWD at kanilang pamilya. πŸ’•

Sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week 2026, sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, paggalang sa dignidad, at pantay na oportunidad para sa lahat. 🌷

πŸ’— Maligayang 48th National Disability Rights Week 2026!
✨ β€œHindi hadlang ang kapansanan upang maging huwaran at maging inspirasyon sa iba.” ✨

πŸ©·πŸŒΈπŸ’– πŸ©·πŸ’•πŸŒ·πŸ’–πŸŒΈ

22/06/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week 2026, inihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Marilao ang PWD GOT TALENT 2026!

Ipakita ang iyong galing sa pagkanta, pagsayaw, pagtugtog, o ano pa mang natatanging talento upang magsilbing inspirasyon sa buong komunidad!

πŸ‘₯ Sino ang pwedeng sumali?
βœ…Rehistradong PWD members ng Marilao
βœ…Maaaring Solo, Duet, o Group (hanggang 5 miyembro bawat grupo)

πŸ† Mga Premyo:
πŸ₯‡ 1st Prize: β‚±15,000
πŸ₯ˆ 2nd Prize: β‚±10,000
πŸ₯‰ 3rd Prize: β‚±5,000
πŸ… Consolation Prize: β‚±3,000

πŸ“ Paano Mag-register?
1. Makipag-ugnayan sa inyong Barangay President.
2. Mag fill-up ng Application Form.
3. Ipasa sa inyong Barangay President para sa endorsement.

⚠️ PAALALA: Ang FIRST 20 KALAHOK LANG ang maaaring makasali kaya mag-register na habang may slot pa!

πŸ—“οΈ Kailan: July 17–23, 2026
🀝 Theme: "Rights First, Legislation Forward-Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development"

πŸ“’ SINO ANG MAAARING MAITURING NA PWD AYON SA BATAS?Alamin ang pangkalahatang gabay batay sa RA 7277, RA 9442, at NCDA gu...
29/04/2026

πŸ“’ SINO ANG MAAARING MAITURING NA PWD AYON SA BATAS?

Alamin ang pangkalahatang gabay batay sa RA 7277, RA 9442, at NCDA guidelines. Ang isang tao ay maaaring maituring na PWD kung siya ay may pangmatagalang impairment o kapansanan, may malaking epekto ito sa araw-araw na gawain, at nahahadlangan ang kanyang buong pakikilahok sa lipunan gaya ng sa paaralan, trabaho, at komunidad.

βœ… Maaaring kabilang dito ang may kapansanan sa pisikal, paningin, pandinig, speech/communication, intellectual, learning disability, psychosocial/mental, at sa ilang pagkakataon, chronic illness tulad ng cancer o rare disease kung ito ay pangmatagalan at may malinaw na limitasyon sa normal na gawain.

⚠️ Mahalagang paalala:
Hindi lahat ng sakit ay awtomatikong maituturing na PWD. Ang pagkilala at pag-isyu ng PWD ID ay nakadepende pa rin sa tamang assessment at lokal na proseso.

πŸ’™ Ang layunin ng batas ay magbigay ng pantay na karapatan, proteksyon, at suporta sa lahat ng Persons with Disability.

18/04/2026

Maraming salamat po Mayor Atty. Jem SyπŸ₯°πŸ’•πŸ’“

Maraming salamat po Mayor Atty. Jem Sy at sa sangguniang bayan ng Marilao sa patuloy na pagbinigay ng suporta at malasak...
02/03/2026

Maraming salamat po Mayor Atty. Jem Sy at sa sangguniang bayan ng Marilao sa patuloy na pagbinigay ng suporta at malasakit sa aming sektor. God bless po.

11/02/2026
POBLACION 2 THANKS GIVING PARTY 2025, salamat po sa lahat ng dumalo at mga opisyal ng barangay kay KAPITAN IRINEO V. BAT...
16/12/2025

POBLACION 2 THANKS GIVING PARTY 2025, salamat po sa lahat ng dumalo at mga opisyal ng barangay kay KAPITAN IRINEO V. BATONGBACAL, at mga kagawad, mga pwd officers, nakatuwang na mga LLN at LPN, at sa ating punong bayan, MAYOR ATTY. JEMINA M. SY, VICE MAYOR ARIEL AMADOR, at sa bumubuo ng sangguniang bayan ng Marilao, KONSEHALA VANESSA VALDEZ-SEMINIANO, KONSEHALA LUISA SILVESTRE at KONSEHALA MADEL JASA, at gayundin kay BOKAL KAT HERNANDEZ.
Mabuhay po tayong lahat.😊πŸ₯°Muli maligayang pasko po

Address

Municipality Of Marilao Anex Building, Ground Floor, Patubig Marilao
Bulacan
3019

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Persons with Disability Affairs Office Marilao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share