GABAY Norzagaray

  • Home
  • GABAY Norzagaray

GABAY Norzagaray Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from GABAY Norzagaray, Social service, Norzagaray, .

GABAY - NORZAGARAY LOCAL CHAPTERS | Kami ay isang Community-Based Organization isang sangay ng GUIDE AND ADVOCACY BUILT with the ASPIRATIONS OF YAHWEH (GABAY) Inc.

Hindi mo kailangang mag-isa sa journey na 'to. 🤝✨​Dito sa GABAY, safe space ang naghihintay sa'yo walang judgment, puron...
24/08/2026

Hindi mo kailangang mag-isa sa journey na 'to. 🤝✨

​Dito sa GABAY, safe space ang naghihintay sa'yo walang judgment, purong alaga at suporta. Swipe through the photos to see how we can support you!

​💬 Send us a DM today. Usap tayo, nang libre at confidential.
✉️[email protected]





Myth-Buster: Alamin ang katotohanan ukol sa HIV treatment! 🔴✨Huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon! Ang maagang pagg...
16/08/2026

Myth-Buster: Alamin ang katotohanan ukol sa HIV treatment! 🔴✨

Huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon! Ang maagang paggamot sa HIV sa pamamagitan ng Antiretroviral Therapy (ART) ay napakahalaga upang mapanatiling malakas ang immune system at maiwasan ang pagdami ng virus sa katawan.

✔️Undetectable = Untransmittable (U=U): Kapag ang level ng virus ay hindi na ma-detect sa dugo dahil sa tuloy-tuloy na gamutan, hindi mo na rin ito maipapasa sa iba sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

✔️Libre at Confidential: Ang HIV testing at gamot (ART) ay makukuha nang libre at may buong paggalang sa iyong privacy sa mga accredited treatment hubs at health centers.

✔️Protektahan ang Sarili at ang Mahal sa Buhay: Mas maagang magsimula sa treatment, mas mahaba at mas masigla ang buhay at resistensya.

Walk-in na sa GABAY Community Center para magpa-test. Mon to Sat | 10am to 6pm

Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, maaari kayong mag-message sa aming FB page. 📱

👉For Partnership and Seminars, maaari kayong magsend sa aming email [email protected].

Protect yourself and your loved ones. Get tested today!

MYTH-BUSTER: Magkaiba ang HIV at AIDS! 🎗️✨FALSE ang paniniwalang iisa lang ang HIV at AIDS!Alam mo ba bago humantong sa ...
15/08/2026

MYTH-BUSTER: Magkaiba ang HIV at AIDS! 🎗️✨

FALSE ang paniniwalang iisa lang ang HIV at AIDS!

Alam mo ba bago humantong sa AIDS condition, mahalagang magpa-HIV Screening agad. Kapag nalaman mo nang maaga ang iyong HIV status, makakapag-undergo ka agad ng Antiretroviral (ARV) Treatment—isang mabisang medication upang pigilan o mapababa ang paglala ng virus at maiwasan na humantong sa AIDS condition ng isang People Living with HIV.

Alagaan ang iyong sexual health! 🫶

Walk-in na sa GABAY Community Center para magpa-test. Mon to Sat | 10am to 6pm

HIV Services Available:
✔️Free Condoms & Lubricants
✔️Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP)
✔️Link to Care & Consultation

Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, maaari kayong mag-message sa aming FB page. 📱

👉For Partnership and Seminars, maaari kayong magsend sa aming email [email protected].

Protect yourself and your loved ones. Get tested today!

🚩 GABAY Norzagaray Chapter x AHF Philippines at the Casay Festival!Maraming salamat, Norzagaray! 💙Noong August 11, buong...
14/08/2026

🚩 GABAY Norzagaray Chapter x AHF Philippines at the Casay Festival!

Maraming salamat, Norzagaray! 💙
Noong August 11, buong-pusong nakiisa ang GABAY Norzagaray Chapter, at suporta ng AHF Philippines, sa ginanap na Norzagaray Casay Festival: Serbisyo Caravan!

Sa pamamagitan ng ating HIV Advocacy Booth, naipabot natin ang ating serbisyo at suporta para sa kalusugan ng bawat Garayeno.

🌟 Free Services Offered:
✔️Free & Confidential HIV Screening
✔️HIV Awareness & Education
✔️PreP (Pre-Exposure Prophylaxis) Assistance
✔️Free Condoms (with AHF packaging)

Mula sa kaunting oras para sa HIV screening hanggang sa simpleng pagbisita sa aming booth, malaking hakbang ito para sa mas ligtas, informed at mas maingat na komunidad!

🤝 Special Thanks
Sa Lokal na Pamahalaan ng Norzagaray — Maraming salamat sa pag-imbita sa amin para maging bahagi ng mahalagang kaganapang ito!
Sa ating mga residents at festival goers — Saludo kami sa inyong self care at suporta sa pagaccess ng aming HIV Services.

Patuloy tayong magkasama sa pagpapadama ng ligtas at gabay na serbisyo para sa lahat. Kitakits ulit sa mga susunod na partnership.🔥

11/08/2026

HAPPENING NOW 📍🫶

Nandito po ang GABAY Team sa Norzagaray Municipal Hall para sa ating Free HIV Screening, PrEP from Athena by Loveyourself at distribution ng flavored condoms!

Ang HIV Community Outreach na ito ay buong suporta ng AIDS Healthcare Foundation Philippines (AHF Philippines).

Maraming salamat po sa pag-imbita sa amin!

Sama-sama nating ipatupad at palakasin ang kaalaman sa kahalagahan ng HIV screening sa ating komunidad.
Pumunta na at magpa-test—fast, confidential, and safe! 🩸✨

Catch us, AHF Gabay! See you tomorrow sa ating Serbisyo Caravan! 📍✨Magkakaroon tayo ng Free HIV Screening at Free Condom...
10/08/2026

Catch us, AHF Gabay! See you tomorrow sa ating Serbisyo Caravan! 📍✨

Magkakaroon tayo ng Free HIV Screening at Free Condom Distribution para sa lahat. Protektado ang kalusugan, libre at confidential pa!

🗓️ Kailan: August 11 (Tuesday) | 8:00 AM - 4:00 PM
📍 Saan: Yellow Building Municipal, Norzagaray, Bulacan
Ingatan ang sarili at ang iyong loved ones. Kita-kits tayo bukas!

10/08/2026

✨ Naghahanap ka ba ng pahinga, pag-asa, at tunay na kapayapaan? ✨

Inaanyayahan ka namin sa isang 3-Day Spiritual Retreat sa Bahay ni Lucas. Aug 28-30 isang ligtas na espasyo kung saan maaari mong ipahinga ang iyong isip at puso, at muling matagpuan ang pagmamahal ng Diyos sa iyong buhay.

Nangangalap na po kami ng mga kalahok para sa Batch 8 (PLHIV Retreat). Kasama ang ilang staff ng GABAY Organization at Spiritual Mentor na si Sister Adora, handa kaming samahan ka sa iyong paglalakbay tungo sa paghihilom at bagong pag-asa.

🌿 Libre at strictly confidential ang buong proseso.
📍 Para sa registration at inquiries:
📩 Facebook: GABAY Community Center
📧 Email: [email protected]
📞 Contact: (+040) - 559-1456

Dito, tanggap ka at hindi ka nag-iisa. Kitakits tayo! 🙏✨

Mahalagang alamin at protektahan ang ating kalusugan! Inihahatid ng AHF Gabay Inc., sa pakikipagtulungan ng Municipality...
09/08/2026

Mahalagang alamin at protektahan ang ating kalusugan! Inihahatid ng AHF Gabay Inc., sa pakikipagtulungan ng Municipality of Norzagaray at Bria Norzagaray HOA, ang Gabay HIV Seminar & Free HIV Screening.

Kailan: Sabado, August 29 | 8:00 AM
Saan: Bria Homes Blk 12 Likod | Tricycle Paradahan

Bakit mahalagang dumalo?

Libreng HIV Screening: Mabilis, confidential, at ligtas ang pagpapasuri.

Makabuluhang Seminar: Alamin ang mga tamang impormasyon tungkol sa HIV prevention at suporta—dahil ang HIV ay maiiwasan at pwedeng maagapan.

Walang Diskriminasyon: Isang ligtas na espasyo para sa lahat ng gustong matuto at mag-alaga sa kanilang kalusugan.

Huwag matakot magpa-check! Magkita-kita tayo ngayong August 29.

Para sa mga katanungan o karagdagang detalye, i-contact ang:

Facebook: GABAY Community Center

Telegram: t.me/AHFGABAYInc

Telepono: (+040) 5591 - 456

The Heart of the Advocacy: 💖 Educating minds, breaking barriers, and creating ripples of awareness within the community!...
17/06/2026

The Heart of the Advocacy: 💖 Educating minds, breaking barriers, and creating ripples of awareness within the community! 🏳️‍🌈✨

Isang makasaysayan at makabuluhang araw para sa ating pamilya sa Norzagaray! 🌟

KAHAPON, matagumpay na isinagawa ng GABAY Norzagaray Chapter ang ating HIV Awareness Seminar, HIV Screening, at Condom Distribution mismo sa Norzagaray Municipal Hall.

Ang programang ito ay binuo hindi lang para magbigay ng serbisyo, kundi para mag-educate at tuluyang basagin ang HIV stigma na madalas pa ring nararanasan ng ating komunidad, partikular na ng ating mga kapatid sa LGBTQIA+ community. Dito sa GABAY, naniniwala tayo na ang kalusugan at proteksyon ay para sa lahat—walang diskriminasyon, walang panghuhusga. 🔒❤️

Higit sa lahat, layunin din natin na ang bawat participant na dumalo ay maging "advocacy champions" na may kakayahang magbahagi ng kanilang natutunang kaalaman sa kani-kanilang mga lokal na komunidad. Textbooks and seminars are great, pero mas malakas ang epekto kapag ang kaalaman ay pinapasa-pasa natin sa ating mga kaibigan, pamilya, at kapitbahay! 🗣️👥

Maraming salamat sa Lokal na Pamahalaan ng Norzagaray at sa lahat ng nakiisa at nagbukas ng kanilang puso’t isipan para sa proyektong ito. Patuloy tayong uusad tungo sa isang mas ligtas at maunawaing bukas!

Padayon, Norzagaray! ✊

01/05/2026

𝙿𝚊𝚐𝚙𝚞𝚙𝚞𝚐𝚊𝚢 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚔𝚊𝚒𝚜𝚊! 🤝✨

Panoorin ang maikling video na ito na binuo sa pakikipagtulungan ng DLSU COSCA-GEPCOMM at ng GABAY Community Center. Isang proyekto mula sa puso ng mga Lasallian students para sa ating komunidad. 🏹💚

Maraming salamat sa inyong serbisyo at dedikasyon!

[CREDITS]
🎬 In Partnership with: DLSU COSCA - GEPCOMM
👥 Created by students
📍 Community Partner: Center For Social Concern and Action - COSCA

--------------
(𝑷𝑨𝑹𝑨 𝑺𝑨 𝑷𝑨𝑹𝑻𝑵𝑬𝑹𝑺𝑯𝑰𝑷, 𝑴𝑨𝑮-𝑴𝑬𝑺𝑺𝑨𝑮𝑬 𝑷𝑶 𝑲𝑨𝒀𝑶 𝑺𝑨 𝑨𝑴𝑰𝑵 𝑬𝑴𝑨𝑰𝑳: 𝑮𝑨𝑩𝑨𝒀_𝑪𝑨𝑳𝑶𝑶𝑪𝑨𝑵2017@𝑮𝑴𝑨𝑰𝑳.𝑪𝑶𝑴 𝑶𝑹 𝑴𝑨𝑮𝑷𝑨𝑫𝑨𝑳𝑨 𝑵𝑮 𝑴𝑬𝑺𝑺𝑨𝑮𝑬 𝑺𝑨 𝑭𝑨𝑪𝑬𝑩𝑶𝑶𝑲 𝑷𝑨𝑮𝑬 𝑵𝑨 𝑰𝑻𝑶)

AHF Philippines

Address

Norzagaray

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GABAY Norzagaray posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share