12/06/2026
PAKIKIISA SA BARAGATAN FESTIVAL 2026! ✨
Isang makulay at masiglang pagdiriwang! Nakiisa ang ating butihing Vice Mayor Elizabeth M. Cervantes, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa naganap na Grand Opening Parade ng Baragatan Festival ngayong araw, Hunyo 12, 2026.
Ang pagdalo ng ating mga lokal na pinuno ay patunay ng ating nagkakaisang suporta sa pagtataguyod ng kultura, tradisyon, at turismo ng buong lalawigan. Kaisa ang ating bayan sa pagdiriwang ng tagumpay at pagkakaisa ng bawat Palaweño!
Maligayang Baragatan Festival sa ating lahat! ❤️👏