19/08/2026
Isang produktibong Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Cabatuan ang isinagawa ngayong araw, kung saan tinalakay at inendorso ang 23 draft resolutions (Resolution Nos. 2026-76 hanggang 2026-98) na naglalayong kilalanin ang tagumpay ng ating mga kabataan at maisulong ang mahahalagang proyekto para sa ating bayan.
Apat (4) sa mga resolusyon ang nakatuon sa pagkilala sa kahusayan at tagumpay ng mga estudyante ng Cabatuan, kabilang ang isang Magna Cum Laude at Salutatorian ng UP College of Law, gayundin ang tatlong kabataang nagkamit ng parangal sa mga international mathematics competitions sa Vietnam at Hong Kong.
Samantala, ang 19 na resolusyon ay mga kahilingan para sa funding assistance mula sa mga national government officials para sa iba't ibang proyektong pang-imprastraktura at pangkaunlaran, kabilang ang:
• mga drainage canal at flood mitigation projects
• farm-to-market roads
• covered courts at sports facilities
• municipal sports complex
• mga perimeter fence para sa mga paaralan at iba pang pasilidad
• mga proyektong may kinalaman sa environmental management at public safety.
Kabilang sa mga pinagpapadalhan ng kahilingan para sa suporta ang mga Senador na sina Sherwin “Win” Gatchalian, JV Ejercito, Joel Villanueva, Bam Aquino, at Mark Villar, gayundin si LPGMA Partylist Representative Allan U. Ty.
Ang mga panukalang proyektong ito ay naglalayong palakasin ang agrikultura, mabawasan ang epekto ng pagbaha, mapabuti ang mga pasilidad pang-edukasyon, suportahan ang sports at kabataan, mapangalagaan ang kapaligiran, at higit na mapahusay ang serbisyong pampubliko at kalidad ng buhay ng bawat Cabatuanense.
Patuloy ang aming paglilingkod sa pamumuno ni Mayor Charlton Uy at Vice Mayor Mario Acosta,
kasama ang Sangguniang Bayan sa pagsusulong ng mga proyektong may konkretong pakinabang para sa ating mga barangay at para sa patuloy na pag-unlad ng Cabatuan.
Makakaasa po kayo sa patuloy na aktibong pakikilahok, pakikinig, at pakikiisa sa bawat talakayan ng inyong lingkod Konsi Kiano- Serbisyong Totoo, Tapat, Karapat-dapat!