19/03/2025
Paano natin maipakita ang suporta sa ating mga magsasaka?
Maipapakita natin ang suporta sa pamamagitan ng pagtangkilik sa lokal na ani, sa halip na mga imported na produkto. Mahalaga rin ang pagpapahalaga sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng patas na pakikitungo at hindi pagtatawad nang sobra sa kanilang mga paninda.
Ang mga magsasaka ay hindi lamang nagbibigay ng pagkain sa ating hapag kainan, sila rin ang pundasyon ng ating ekonomiya at tagapangalaga ng kalikasan. Sa pamamagitan ng kanilang sipag at tiyaga, napapanatili nila ang ating kultura at tradisyon. Karapat-dapat lamang na kilalanin at bigyang halaga ang kanilang mahalagang papel sa lipunan para sa masaganang ani at mas magandang buhay.
Sa simpleng paraan, maipapakita natin ang ating pasasalamat at suporta sa mga magsasaka na nagsusumikap upang may pagkain tayo araw-araw.
Saludo at taos-pusong pasasalamat sa ating mga magsasaka—sila ang tunay na bayani ng ating hapag-kainan. Dahil sa kanilang sipag at tiyaga, may pagkain tayong inihahain sa bawat tahanan. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsusumikap para sa ating bayan! SHALOM!
Members:
Jehyan Besa
Euri Cases
Jamella Jamera
Sophia Rebojo
Glydel Valenzuela
Bea Gilisanga
Jay Ann Camposa
Roy Navarro
Rynel Dorimon
Keziah Romero
Submitted to: Sir Libsmel B. Hipone