30/07/2026
Mas Maayos na Koleksyon, Mas Malinis na Komunidad!
Ang Solid Waste Management Program ng Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño ay patuloy na nagpapatupad ng regular na koleksyon ng mga 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐔𝐀𝐋 𝐖𝐀𝐒𝐓𝐄𝐒 upang matiyak ang kalinisan at kaayusan sa bawat barangay at mga paaralan.
📌 Mga Paalala sa Koleksyon:
🗑️ Segregation at Source (alinsunod sa RA 9003) - Ihanda ang mga basura na nabibilang sa mga 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐝𝐮𝐚𝐥 𝐖𝐚𝐬𝐭𝐞𝐬 o mga basurang hindi na mapapakinabangan. Tiyaking ito ay 𝐰𝐞𝐥𝐥-𝐬𝐞𝐠𝐫𝐞𝐠𝐚𝐭𝐞𝐝 at maayos na naihiwalay sa mga nabubulok at nareresiklo.
⏰ Tamang Oras - Ilabas ang mga basura bago dumating ang truck upang maiwasan ang kalat sa kalsada.
👥 Pakikiisa ng Komunidad - Ang bawat 𝐒𝐀𝐌𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐍 at 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 ay inaasahang makiisa sa tamang pagtatapon at pagsunod sa schedule ng koleksyon.
♻️ Suporta sa MC No. 04-01-2026 - Hinihikayat ang paggamit ng reusable at compostable materials at umiwas sa paggamit ng single-use plastics at styrofoam upang mabawasan ang itinatapon na basura.
Sa pamamagitan ng disiplinado at tamang pagtatapon, sabay-sabay nating itinataguyod ang isang malinis, ligtas, at mas kaaya-ayang komunidad para sa lahat. 🍃