20/03/2026
PAANYAYA SA BARANGAY ASSEMBLY
Isang mainit na pagbati sa ating mga minamahal na kabarangay!
Kayo po ay malugod naming inaanyayahan na makilahok sa ating 1st Semester General Assembly na gaganapin sa darating na Linggo ika-22 ng Marso, taong kasalukuyan, oras 8:00 ng umaga at gaganapin ito sa ating Gymnasium ng Barangay Bayabat. Hinihikayat po namin ang lahat na dumalo at makiisa sa pagtutulungan tungo sa progreso at kaunlaran ng ating pamayanan.
Maraming Salamat po!