ALPAS

ALPAS ALPAS tayo, BAYAN ang PANALO

| For Academic Purposes Only |

22/05/2025

Sa darating na pambansang halalan, isang bagong pwersa ang handang tumindig para sa bayanโ€”ang ALPAS, isang partidong isinilang mula sa hangaring palayain ang sambayanan mula sa lumang sistemang hindi na nagsisilbi sa nakararami. Ang aming pangalan ay sumasalamin sa aming layunin: ang makalaya at makapaghatid ng tunay na pagbabago.

Ang ALPAS ay hindi lamang isang pangalan, ito ay panawagan. Panawagan para sa isang gobyernong may malasakit, may pananagutan, at may konkretong hakbang para sa kapakanan ng bawat Pilipino. Nais naming wakasan ang katiwalian, palitan ang lumang pulitika, at itaguyod ang pamumunong makatao at makabayan.

Hindi kami para sa iilan, kami ay para sa lahat. Aming pinahahalagahan ang bawat sektor ng lipunan, lalo na ang mga matagal nang nasa laylayan at hindi nabibigyan ng boses: ang mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataan, katutubo, LGBTQIA+, at iba pa. Panahon na para marinig at mapakinggan sila sa paggawa ng mga polisiyang tunay na makakabuti sa buong bayan.

Kamiโ€™y hindi lang tumatakbo para sa pwesto at kami ay kumikilos para sa kinabukasan. Sama-sama nating palayain ang bayan mula sa pagkakagapos sa lumang sistema. Panahon na para makiisa, manindigan, at kumilos tungo sa isang lipunang makatarungan at pantay para sa lahat.



Singers: Joanne Marie Bolando and Calvin Hendrix Pasaraba
Lyrics by: Joanne Marie Bolando
Instrumental: Intro to I-LAND by I-LANDers

Special thanks to Venz Acojedo, Jan Iris Bacuyag and to the people who are involved in this video.

๐Ÿšจ Disclaimer:
This video is solely for academic purposes. This is our application activity for our performance on Thursday under our course Political Dynamics.

๐€๐‹๐๐€๐’ ๐๐€๐‘๐“๐˜ ๐†๐‘๐€๐๐ƒ ๐‘๐€๐‹๐‹๐˜๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐“๐ก๐ฎ๐ซ๐ฌ๐๐š๐ฒALPAS TAYO, BAYAN ANG PANALO!Handa na ang ALPAS Party na maghatid ng husti...
22/05/2025

๐€๐‹๐๐€๐’ ๐๐€๐‘๐“๐˜ ๐†๐‘๐€๐๐ƒ ๐‘๐€๐‹๐‹๐˜
๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐“๐ก๐ฎ๐ซ๐ฌ๐๐š๐ฒ

ALPAS TAYO, BAYAN ANG PANALO!

Handa na ang ALPAS Party na maghatid ng hustisya, tapang, at pagkakaisa para sa masa! Ang kulay lila ang sumisimbolo sa atin, mula sa pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba, hanggang sa pagbangon mula sa laylayan.

Totoong demokrasya ay para sa karaniwang Pilipino, mga jeepney driver, estudyante, nanay na may maliit na tindahan, manggagawang pagod sa araw-araw. Pinakikinggan namin ang inyong hinaing at lumalaban kami kasama ng taumbayan.

Kilalanin ang mga lider ng ALPAS:

R.B. CALLO THOMAS #1 FOR PRESIDENT
Mula sa courtroom hanggang classroom, mula Senado hanggang Korte Supremaโ€”isang buhay na serbisyo at integridad. Tagapagtaguyod ng food security, environmental action, at national safety.

JOHN RUSSEL BALUNGAYA #1 FOR VICE PRESIDENT
Mula propesor hanggang gobernador, taga-pagtanggol ng mamamayan at tapat sa serbisyo. Lider sa youth empowerment, transparent governance, at social justice.

SHAINE DIRAIN #15 FOR SENATOR
Boses ng mga magsasaka at mangingisda, dalubhasa sa rural development at food sovereignty.

SHEENA LUMABAO #21 FOR SENATOR
Abogado ng karapatan, lider sa transparency at malinis na pamahalaan.

JOYLYN LIWANAG #20 FOR SENATOR
Mandirigma ng karapatang pantao at laban sa katiwalian.

CALVIN HENDRIX PASARABA #27 FOR SENATOR
Tagapagtanggol ng kalikasan, eksperto sa climate justice.

JOANNE MARIE ROLANDO #11 FOR SENATOR
G**o, abogado, tagapagtanggol ng de-kalidad na edukasyon.

MARY GRACE JAPSON #18 FOR SENATOR
Manggagawa, tagapagtanggol ng karapatan ng mga manggagawa.

STEPHANIE CATOLOS #13 FOR SENATOR
Tagapagtanggol ng magsasaka at seguridad sa pagkain.

DENISSE GRACE ALASKA #3 FOR SENATOR
Doktora ng bayan, tagapagtanggol ng kalusugan para sa lahat.

Sama-sama, itaguyod natin ang tunay na pagbabago!
Sa ALPAS tayo, bayan ang panalo!

๐Ÿšจ Disclaimer: This posting of platforms is solely for academic purposes. This is our application activity for our performance on Thursday under our course Political Dynamics.

21/05/2025

Excited ka na bang makilala sila? Ito ang Tropang ALPASโ€”Ang Landas ng Pagbabago ay ang Ating Sambayanan.

#1 FOR PRESIDENT
#1 FOR VICE PRESIDENT
#15 FOR SENATOR
#21 FOR SENATOR
#20 FOR SENATOR
#27 FOR SENATOR
#11 FOR SENATOR
#18 FOR SENATOR
#13 FOR SENATOR
#3 FOR SENATOR

Sa ALPAS tayo, bayan ang panalo!

๐Ÿšจ Disclaimer:
This video is solely for academic purposes. This is our application activity for our performance on Thursday under our course Political Dynamics.

๐™†๐™๐™€๐˜ฟ๐™€๐™‰๐™Ž๐™„๐™”๐˜ผ๐™‡ ๐˜ผ๐™ ๐™‹๐™‡๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‹๐™Š๐™๐™ˆ๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐˜ผ๐™‡๐™‹๐˜ผ๐™Ž: ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ, ๐™ˆ๐™๐™‡๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผHindi lang pangako; aksyon ang hatid ng ALPAS. Ang aming p...
21/05/2025

๐™†๐™๐™€๐˜ฟ๐™€๐™‰๐™Ž๐™„๐™”๐˜ผ๐™‡ ๐˜ผ๐™ ๐™‹๐™‡๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‹๐™Š๐™๐™ˆ๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐˜ผ๐™‡๐™‹๐˜ผ๐™Ž: ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ, ๐™ˆ๐™๐™‡๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ

Hindi lang pangako; aksyon ang hatid ng ALPAS. Ang aming plataporma ay nakasentro sa hustisya, tapang, at pagkakaisa para sa bawat Pilipinong nasa laylayan. Subok na at hinubog na ng panahon ng pag-aaral at pagiging dalubhasa sa iba't ibang larangan. May talino, may gawa, at may diploma.

Mula sa abot-kayang edukasyon, disenteng trabaho, karapatan ng mga manggagawa, hanggang sa makataong transportasyon at serbisyong pangkalusugan, lahat ay para sa inyo.

Sa ALPAS, kayo ang bida. Sama-sama nating isinusulong ang tunay na pagbabago.



๐Ÿšจ Disclaimer: This posting of platforms is solely for academic purposes. All of the credentials and backgrounds are manifestations and foreshadowing. This is our application activity for our performance on Thursday under our course Political Dynamics.

Ilang beses na tayong pinangakuan at pinabayaan? Ilang eleksyon na ang lumipas, pero ang buhay ng karaniwang Pilipinoโ€”la...
21/05/2025

Ilang beses na tayong pinangakuan at pinabayaan? Ilang eleksyon na ang lumipas, pero ang buhay ng karaniwang Pilipinoโ€”lalo lang bumibigat?

Habang ang mayayaman ay lalong yumayaman, ang mga manggagawa'y nananatiling kapos. Habang ang nasa itaas ay namumuhay ng maginhawa, ang mga nasa laylayan ay araw-araw lumalaban para lang makaahon.

Kaya tumitindig ang ALPAS, hindi bilang bagong mukha ng lumang sistema, kundi bilang tunay na kinatawan ng sambayanan. Ang partido na hindi lang nakikinig, kundi kumikilos. Ang partido na hindi lang para sa masa, kundi kasama ang masa sa bawat hakbang ng laban.

Hindi kami perpekto, pero kami ay tapat. Hindi kami makapangyarihan, pero kami ay buo ang loob. At higit sa lahat, hindi kami susuko, dahil ang ipinaglalaban namin ay hindi lang posisyon, kundi kinabukasan.

Ito ang ALPASโ€”Ang Landas ng Pagbabago ay ang Ating Sambayanan.

Alpas tayo, bayan ang panalo.

๐Ÿšจ Disclaimer:
This posting of publication materials is solely for academic purposes. This is our application activity for our performance on Thursday under our course Political Dynamics.

20/05/2025

Ang "ALPAS" Party ay handa na upang magbigay ng hustisya, tapang, at pagkakaisa para sa masa. Ang lila ay ang kulay natin at ng karaniwang Pilipino, mula sa pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba hanggang sa pagbangon mula sa laylayan.

Ang tunay na demokrasya ay hindi umiikot sa mga makapangyarihan. Kami ay kumakatawan sa karaniwang mamamayanโ€”ang jeepney driver, ang mga estudyante, ang mga nanay na may maliit na tindahan, ang mga manggagawang pagod sa araw-araw. Lahat ng inyong hinaing at sentimyento ay aming pinakikinggan at pakikinggan. Ang partidong masa ay nakikinig, kumikilos, at lumalaban kasama ng taumbayan.

Ito ang ALPAS, Ang Landas ng Pagbabago ay ang Ating Sambayanan. Sa Alpas tayo, bayan ang Panalo. Kaya sana ay tulungan niyo po kaming manalo, dahil ang aming pagkapanalo ay nakasisigurong panalo rin kayo.

๐Ÿšจ Disclaimer:
This video is solely for academic purposes. This is our application activity for our performance on Thursday under our course Political Dynamics.

Address

Carig Sur, Tuguegarao City
Cagayan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ALPAS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category