Office of the Mayor - Cajidiocan Romblon

Office of the Mayor - Cajidiocan Romblon LGU Cajidiocan-Official Account

19/05/2026

𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗯𝘂𝗹𝗮𝗻𝘀𝘆𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗮𝗴𝗱𝗮, 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗱𝗮 🚑!

Isang malaking tulong para sa mabilisang pagtugon sa oras ng kagipitan ang hatid ng bagong ambulansya na ipinangako ni Mayor Marvin Ramos para sa mga residente ng Brgy. Cantagda.

Pormal itong ipinagkatiwala kahapon, Mayo 18, sa pangunguna ni MDRRMO OIC Aivan Delima bilang kinatawan ng LGU Cajidiocan sa pamunuan ng barangay sa pamumuno ni Punong Barangay Ellen Rabino.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga opisyal ng barangay sa proyektong ito, na tiyak na mas magpapalakas sa kakayahan ng lokal na pamahalaan na rumesponde agad sa mga emergency at medikal na pangangailangan ng mamamayan.

Patunay ito sa patuloy na pagpapahalaga ng ating lokal na pamahalaan sa kalusugan at buhay ng bawat Cajidiocanon.


Address

Poblacion
Cajidiocan
5512

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Mayor - Cajidiocan Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share