Guillermo "Gimo" Hernandez

Guillermo "Gimo" Hernandez May puso at malasakit sa mga karaniwang mamamayan—mga mangingisda, magsasaka, manggagawa, at mga nasa laylayan ng lipunan.

11.12.2024. Sa gitna ng matinding pagsubok na dala ng Bagyong Kristine, muling nagpakita ng tunay na malasakit ang Lingk...
13/11/2024

11.12.2024. Sa gitna ng matinding pagsubok na dala ng Bagyong Kristine, muling nagpakita ng tunay na malasakit ang Lingkod Legarda Leviste, kasama ang ating Hon. Gimo Hernandez at mga opisyal ng barangay. Sa kanilang pagsasama, matagumpay nilang naihatid ang tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga yero sa 150 pamilyang nasalanta sa barangay Quisumbing, Calaca City, Batangas. Ang kanilang pagkakaisa ay hindi lamang nagbibigay ng materyal na tulong kundi nagpapatibay rin ng pag-asa at inspirasyon para sa mas magandang kinabukasan ng mga nasalanta.

Sa lideratong may malasakit, tunay na maaasahan, at laging handang sumuporta, nararamdaman ng bawat pamilyang apektado na hindi sila nag-iisa sa laban. Nawa’y magsilbi itong paalala na sa gitna ng bawat sakuna, may mga kamay na handang tumulong at puso na nagmamalasakit para sa kapwa.


11.11.24. Naririto po ang listahan ng mga mamamayan ng Brgy. Quisumbing na makakatanggap ng yero mula sa tulong ng Lingk...
11/11/2024

11.11.24. Naririto po ang listahan ng mga mamamayan ng Brgy. Quisumbing na makakatanggap ng yero mula sa tulong ng Lingkod Legarda Leviste. Ang pamamahagi pong ito ay tugon sa pinsala na dulot ni bagyong Kristine sa ating mga kabahayan.

Ang pamamahagi ay magaganap bukas, November 12, sa ganap na ika-2 ng hapon sa bahay ni Hon. Gimo Hernandez. Asahan ng lahat ang isang maikling programa bago ang opisyal na pamamahagi. 💙

Para sa mga hindi pa nakakapagpasa, mangyari na magdala ng print ng picture na nagpapakita ng sira ng yero sa kanilang bahay. Ito ay lilikumin para sa dokumentasyon.



11.06-09.2024. Dumalo si Hon. Guillermo “Gimo” Hernandez sa 2024 Joint STC and DTC Congress bilang kasapi ng District Tr...
11/11/2024

11.06-09.2024. Dumalo si Hon. Guillermo “Gimo” Hernandez sa 2024 Joint STC and DTC Congress bilang kasapi ng District Tripartite Council. Bilang Secretary General ng KAISAHAN, siya ang tumatayong kinatawan ng mga field workers ng distrito. Ang kongreso ay ginanap noong Nov. 6-9, 2024 sa Citadines Hotel, Bacolod City, Negros Occidental.

Isa sa mga pangunahing tinalakay ay ang R.A. 6982 Social Amelioration Act of 1992, kung saan nirebisa ang mga implementing rules and regulations para sa mga benepisyo tulad ng maternity, death, social economy, livelihood, at scholarship. Ang mga repormang ito ay may malaking kahalagahan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya, at sa pagbibigay ng kinakailangang suporta para sa kanilang pang-ekonomiyang pag-unlad.

Ang kongreso ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Sugar Tripartite Council, District Tripartite Council, at mga mill workers at planters mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. Pinangunahan ito ni DOLE Undersecretary Atty. Benjo Santos M. Benavidez.

11.05.2024. Sa tulong ng Lingkod Legarda Leviste at ni Hon. Gimo Hernandez ay naipamahagi ang mga yero, food packs, biga...
11/11/2024

11.05.2024. Sa tulong ng Lingkod Legarda Leviste at ni Hon. Gimo Hernandez ay naipamahagi ang mga yero, food packs, bigas, at iba pang mahahalagang kagamitan sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong Kristine sa Barangay Camastilisan, Barangay Quisumbing, Barangay Salong, at Barangay Lumbang na Calzada, Calaca City.

Patuloy ang dedikasyon ng Lingkod Legarda Leviste, ni Hon. Guillermo “Gimo” Hernandez, at Team Macalindong na magbigay ng agarang tulong sa mga pamilya sa Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, Balayan, Calaca, Lemery, at Taal.





Photo credits: Lingkod Legarda Leviste

Address

Quisumbing
Calaca
4212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Guillermo "Gimo" Hernandez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category