14/06/2026
๐๐ฎ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐บ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป!
Anim na raan at apat (604) na aktibong kabataan ang nagkaisa at dumalo sa kauna-unahang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly na pinamunuan ni SK Chairperson ๐๐ฎ๐ฟ๐น ๐ฅ๐ผ๐๐ฒ๐ป ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ at buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Sucol, na ginanap sa Sucol Covered Court nitong Hunyo 7, 2026. Dito'y opisyal na ibinahagi ng Sangguniang Kabataan ng Sucol ang mga Accomplishments,Financial Reports at pati na ang mga paparating na programa ng Sk para sa mga kabataan ng barangay. โBukod sa pag-uulat, namahagi rin ang SK ng Sucol ng mga "school supplies" para sa mga kabataang dumalo bilang suporta sa kanilang pag-aaral.
Binigyang diin din nina G. Kenneth John Capunitan at G. Kenneth Yuson mula sa Youth Development Section ng City Social Services Department (YDS-CSSD) ang kahalagahan ng pagkakaisa ng SK at KK, at gayundin ang mga inisyatibo ng pamahalaan para sa Out-of-School Youth (OSY). Samantala nag bigay din ng kanilang mensahe ang DILG sa pamamagitan ni Mr. Nolan Javier.
Ipakita ang lakas at boses ng kabataan! Makinig, makialam, at makilahok sa Katipunan ng Kabataan Assembly sa inyong barangay.