Bureau of Fire Protection CALABARZON

  • Home
  • Bureau of Fire Protection CALABARZON

Bureau of Fire Protection CALABARZON The Official page of the Bureau of Fire Protection Region 4A CALABARZON

๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—›๐—”Ngayong nananalasa sa bansa at naghahatid ng malakas na pag-ulan sa rehiyon ang Bagyo...
06/08/2026

๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—›๐—”

Ngayong nananalasa sa bansa at naghahatid ng malakas na pag-ulan sa rehiyon ang Bagyong Maymay kasama ang hila nitong habagat, narito ang ilang ligtas tips upang ligtas ka sa banta ng pagbaha sa inyong lugar:

1. Patayin ang Kuryente: Kung mabilis ang pagtaas ng tubig, patayin ang main switch ng kuryente at pangkalahatang balbula ng tubo o gasolohiya bago lumikas.
2. Huwag Lumusong sa Baha: Iwasang maglakad o lumangoy sa tubig-baha upang maiwasan ang leptospirosis, pagkalunod, o pagkakuryente. Kung kailangang lumusong, gumamit ng bota at matibay na tukod o kahoy upang kapain ang lalim ng tubig at maiwasan ang mga bukas na manhole.
3. Huwag Magmaneho sa Baha: Ang mabilis na agos ng tubig na may lalim na kalahating metro ay sapat na upang anudin ang karamihan sa mga sasakyan.
4. Lumikas Agad: Kung may payo o utos mula sa lokal na pamahalaan na lumikas, gawin ito agad habang ligtas pa ang daan.
5. Tumawag sa 911 o malapit na himpilan ng bumbero. Kung nangangailangan ng tulong, tumawag agad sa emergency hotlines.

Isang paalala mula sa BFP Region IV-A sa pangunguna ng ating Direktor ng Rehiyon, FCSUPT RENATO B CAPUZ, DSC.

๐—•๐—™๐—ฃ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก, ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ!

๐๐…๐ ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐, ๐๐€๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐† ๐‡๐€๐๐ƒ๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐๐“๐€ ๐๐† ๐๐€๐†๐˜๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐˜๐Œ๐€๐˜TINGNAN: Pinaigting ng Kawanihan ng Pamatay Sunog Rehiyon n...
06/08/2026

๐๐…๐ ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐, ๐๐€๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐† ๐‡๐€๐๐ƒ๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐๐“๐€ ๐๐† ๐๐€๐†๐˜๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐˜๐Œ๐€๐˜

TINGNAN: Pinaigting ng Kawanihan ng Pamatay Sunog Rehiyon ng CALABARZON ang kahandaan sa operasyon kasunod ng banta ng Bagyong Maymay at ng pinalalakas nitong Habagat, na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan at banta ng pagbaha sa ibaโ€™t ibang bahagi ng rehiyon. Nakaalerto ang lahat ng istasyon ng BFP habang isinailalim sa masusing paghahanda ang mga tauhan, rescue equipment, emergency response vehicles, communication assets, at iba pang life-saving resources upang matiyak ang agarang pagresponde sa anumang emergency.

Bilang bahagi ng OPLAN PAGHALASA, pinalakas ng BFP CALABARZON ang koordinasyon nito sa mga lokal na pamahalaan, Disaster Risk Reduction and Management Councils, at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak ang maagap at maayos na pagtugon sa anumang insidente. Patuloy ding minomonitor ang lagay ng panahon habang nananatiling nakaalerto ang mga kawani. Hinihikayat ang publiko na manatiling mapagmatyag, subaybayan ang mga opisyal na weather advisories, at sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang awtoridad.

Sa ilalim ng pamumuno ni FCSUPT RENATO B CAPUZ, DSC, Regional Director, nananatiling handa ang BFP CALABARZON na magbigay ng mabilis, maagap, at episyenteng serbisyo sa panahon ng sakuna.

๐—•๐—™๐—ฃ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก, ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ!

06/08/2026

BFP, PNP apprehend Fire Officer in an Illegal Recruitment Entrapment

The Bureau of Fire Protection, in a joint effort with the Philippine National Police (PNP), apprehended a BFP personnel allegedly involved in the illegal recruitment scam during an entrapment operation on Wednesday, August 5, in Dagupan City, Pangasinan.

The 36-year old suspect, holding the position of Fire Officer 3 (FO3), is currently assigned at one of the the fire stations in Region 1.

The operation stemmed when the 25-year old victim reported to PNP Dagupan City. The suspect allegedly demanded an amount of โ‚ฑ150,000.00 in exchange for securing employment in the BFP. Acting quickly, the BFP Region 1 headed by Regional Director FCSUPT Antonio N Razal Jr, and Police Station 1, set up the entrapment operation.

During the operation, the victim handed the marked money inside a vehicle. The suspect noticed the approaching police and sped away and was eventually cornered. Investigators are still trying to locate the marked money, which may have been discarded during the pursuit.

The suspect is currently in PNP custody and faces inquest proceedings. He was previously suspended in a separate administrative case for a similar offense. In the past incident, he returned the money which prevented a formal entrapment at that time.

In a statement, BFP Officer-in-Charge FCSUPT Wilberto Rico Neil A Kwan Tiu said that the BFP remains committed to a strict and fair hiring process. โ€œWe do not tolerate corruption in our ranks. We are closely working with the police to ensure anyone exploiting applicants will face the law. We will hold our personnel accountable for their actions.โ€ FCSUPT Kwan Tiu said.

The BFP, through the โ€œOPLAN SANTINDIG,โ€ conducts an anti-extortion campaign on recruitment, promotions and transfers to ensure integrity within its ranks. Applicants are reminded that payment is not required to gain entry in the BFP, and application is strictly based on merit and fitness. The public is encouraged to report any recruitment irregularities.

05/08/2026
MGA NASA LARAWAN: Ginanap ngayong araw ang ikalawang Physical Agility Test para sa ikalawang batch ng mga aplikante sa p...
05/08/2026

MGA NASA LARAWAN: Ginanap ngayong araw ang ikalawang Physical Agility Test para sa ikalawang batch ng mga aplikante sa posisyong Fire Officer 1 (FO1). Ang pagsusulit na ito ay isang mahalagang bahagi ng proseso ng pagpili upang masuri at matiyak ang kakayahang pisikal, tibay ng katawan, at kahandaan ng bawat aplikante sa pagresponde sa mga sakuna. Sa yugtong ito, inaasahang maipamalas ng mga aplikante ang kanilang angking kakayahan at disiplina sa pisikal na aspekto na isang pangunahing kwalipikasyon upang gampanan ang mga mabibigat na tungkulin ng isang mahusay at epektibong bumbero.

Katulad ng unang batch, naging mahigpit at patas ang pagsukat sa kakayahan ng mga aplikante batay sa parehong pambansang pamantayan. Ang buong proseso ay naayon sa mga alituntunin ng Bureau of Fire Protection (BFP) Merit Selection Plan at Civil Service Commission (CSC) Rules at Regulations upang masiguro ang integridad at katapatan ng ebalwasyon.

๐—•๐—™๐—ฃ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก, ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ!

05/08/2026

PANOORIN: Ang mga kaganapan sa Batch 2 ng Physical Agility Test para sa mga aplikante sa posisyong Fire Officer 1 na ginanap sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna.

๐—•๐—™๐—ฃ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก, ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ!

05/08/2026

PANOORIN: Ang ating Regional Director, FCSUPT RENATO B CAPUZ, DSC sa kanyang mensahe kaugnay sa kasalukuyang ginaganap na Recruitment Process para sa posisyong Fire Officer 1 ng BFP CALABARZON

๐—•๐—™๐—ฃ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก, ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ!

04/08/2026
"๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ...
03/08/2026

"๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด, ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐˜€๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐˜‚๐—ป๐˜๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜." - ๐—™๐—ฆ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ง ๐—–๐—›๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—— ๐—–๐—จ๐—Ÿ๐—”, ๐——๐—ฆ๐—–

MGA NASA LARAWAN: Ginanap ngayong araw ang Pinagsamang Seremonya sa Pagtaas ng Watawat ng mga ahensyang nasa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna. Ginanap ang nasabing seremonya sa PNPTI Gymnasium, Camp Vicente Lim na siyang dinaluhan din ng mga kawani ng iba't ibang ahensya kasama na ang Kawanihan ng Pamatay Sunog - Tanggapang Pangrehiyon ng CALABARZON sa pangunguna ng ating Pinuno ng Kawani ng Rehiyon, FSSUPT DENNIS A MOLO, DSC.

Tampok din sa nasabing seremonya ang paggawad ng natatanging pagkilala at parangal sa mga piling kawani ng Pambansang Institusyon ng Pagsasanay sa Bumbero (NFTI) at ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas - Tanggapan ng Rehiyon ng Pulisya 4A (PNP-PRO 4A). Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanilang walang-sawang dedikasyon, huwarang serbisyo, at natatanging kontribusyon sa pagtataguyod ng kaligtasan at kaayusan sa lipunan.

Nagbahagi rin ng isang mahalaga at makabuluhang mensahe ang butihing Direktor ng Pambansang Institusyon ng Pagsasanay sa Bumbero (NFTI). Sa kanyang pananalita, binigyang-diin niya ang kritikal na papel ng ating pambansang wika bilang pundasyon ng mabisang komunikasyon na siyang pangunahing susi sa pagtataguyod ng pambansang pagkakaisa, pag-unawaan, at patuloy na pag-unlad ng ating pamayanan.

๐—•๐—™๐—ฃ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก, ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ!

Address


Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bureau of Fire Protection CALABARZON posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share