20/05/2026
ATTENTION PO SA LAHAT NG ATING MGA NEGOSYANTE 📣
Maaari na pong magpwesto ang mga nakapagpalista at nakapag-confirm na ng kanilang slots para sa 11th Pinya Festival sa Pudtol Integrated Transport Terminal and Commercial Center Grounds, Swan,Pudtol,Apayao.
Inaanyayahan din po ang mga nais pang humabol na magpalista at magconfirm ng kanilang slots habang may bakante pa.First come,first served basis po tayo.
Paalala: Ang lahat po ng vendors ay hinihikayat na makipag-ugnayan muna sa Municipal Treasury Office at Business Permit and Licensing Section upang malaman ang kanilang nakatalagang pwesto at para sa pagproseso ng kinakailangang Special Permit.
KITAKITS PO TAYO SA MAKULAY AT MASAYANG PAGDIRIWANG NG 11th PINYA FESTIVAL 🍍🥳