09/10/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐ต๐ญโค๏ธ๐ค
Nakikiisa po tayo sa pagsusulong ng karapatan, dignidad, at kapakanan ng ating mga nakatatandang Pilipino sa pamamagitan ng programang โIsang Pagpupugay: Handog ng GEP Region IVโ na may temang โNakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan; May Boses at Ambag sa Bayan.โ
Bilang inyong lingkod, si Konsehal Jun Cabailo ay patuloy na naninindigan na ang ating mga lolo at lola ay nararapat lamang na mabigyan ng respeto, pagkalinga, at pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa ating pamilya at lipunan. Sila ay mga haligi ng ating mga tahanan at tagapagdala ng karunungan, kultura, at mga pagpapahalagang patuloy nating pinagyayaman hanggang sa kasalukuyan.
Nawa'y patuloy nating bigyang-halaga ang kanilang mga tinig, pakinggan ang kanilang mga pangangailangan, at tiyaking naipagtatanggol ang kanilang mga karapatan. Sapagkat ang tunay na pag-unlad ng isang pamayanan ay nasusukat din sa kung paano nito inaalagaan at pinahahalagahan ang mga nakatatanda.
Para sa ating mga lolo at lola, saludo po kami sa inyong mga sakripisyo, pagmamahal, at mga ambag sa ating bayan! โค๏ธ๐ค