07/08/2026
π£ "CALAUAG RECEPTION ACTION CENTER ORDINANCE" - Pasado na sa Ikalawang Pagbasa. π£
Hindi ito basta pasilidad lamang, bagkus ito'y isang institusyon na magiging malaki ang bahagi para sa RECOVERY, REFERRAL, INTERVENTION at REINTEGRATION PROCESS ng ating mga kliyente o biktima ng iba't-ibang uri ng pang-aabuso, at ito ay nakabatay din sa iba't-ibang Legal na basehan na umiiral sa ating bansa. Kung saan ang nasabing pasilidad ay sasailalim sa pangangasiwa ng Pamahalaang Bayan ng Calauag sa pangunguna ng Tanggapan ng MSWDO.
Bilang inyo pong Konsehal at bilang Rehistradong Manggagawang Panlipunan, atin pong tinindigan at inilaban nasabing panukalang ordinansang ito para sa kapakanan ng mga inaabuso nating mga kababayan β
Maraming Salamat po sa aking ka-akda sa panukalang ito, Kons Marlon Noscal at sa mga kasama sa Sangguniang Bayan Ng Calauag sa pagsuporta sa ating layuning ito. π΅π