Bokal Mike Canlas

Bokal Mike Canlas Serbisyo Publiko

09/09/2025

𝗕𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗞𝗘 𝗖𝗔𝗡𝗟𝗔𝗦 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗔𝗧 (𝟰) 𝗡𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗡𝗨𝗡𝗚𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡

DWCN-FM, Radyo Pilipinas, Camarines Norte (July 29, 2025) - Nakapagsulong ng umaabot sa apat (4) na resolusyon sa Sangguniang Panlalawigan sa unang isang buwan ng panunungkulan si Camarines Norte 1st District Board Member Michael Arthur G. Canlas. Kung saan, ito ay nagpapakita, na sa bawat regular na sesyon na isinagawa ng Sangguniang Panlalawigan sa loob ng apat na linggo ngayong buwan ng Hulyo 2025 ay mayroon itong naipapasang resolusyon.

Ang mga inihaing panukala ni Bokal Mike Canlas ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Isang Resolusyon na hinihiling sa Philippine National Police (PNP) at Highway Patrol Group (HPG) na istriktong ipatupad at hulihin ang mga motorsiklong may modipikado o malaking muffler na nag-ooperate sa loob ng Camarines Norte;

2. Isang resolusyon na humihikayat sa Primewater Corporation sa Camarines Norte na ibase ang kanilang Water Billing sa aktuwal na konsumo ng tubig ng mga konsumidores;

3. Isang Resolusyon na humihiling sa Philippine National Police (PNP) at Barangay Peace and Order (BPSO) na ipatupad ang Regular na Police Visibility sa mga Paaralan sa mga Barangay ng Camarines Norte upang masiguro ang Kaligtasan at Seguridad ng mga Mag-aaral at mga Kawani ng Paaralan; at

4. Isang resolusyon na taimtim na humihiling sa Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pamamagitan ni Sec. Henry Rhoel Aguda na bigyan ng mataas na konsiderasyon, ang pagpapatupad ng Libreng Pampublikong Internet o Libreng WI-FI access sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Katuwang ni Canlas sa nasabing mga isinulong na resolusyon bilang co-author sina Acting Vice Governor Lukad De Lima at ang lahat ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan. | Ulat ni Rommel Fenix / Rommel Ibasco Fenix

09/09/2025

Address

Jose Panganiban
Camarines Norte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bokal Mike Canlas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category