31/08/2026
Hindi man Silver o Gold ang aming nakamit, isang malaking karangalan pa rin ang mapabilang bilang Bronze Awardee sa SAILFAR Assessment Program.
Ang pagkilalang ito ay patunay na ang bawat hakbang, pagsisikap, programa, at proyektong isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Bagumbayan ay may patutunguhan at kinikilala.
Hindi nasusukat sa kulay ng medalya ang halaga ng paglilingkod. Ang mas mahalaga ay ang patuloy nating pagsisikap na maglingkod nang may pananagutan, katapatan, at malasakit para sa bawat kabataan.
Ang Bronze na ito ay hindi katapusan—ito ay isang hamon at inspirasyon upang mas pagbutihin pa natin ang ating pamumuno at paglilingkod.
Hindi man Gold o Silver, buong pagmamalaki naming tatanggapin ang Bronze, dahil ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap para sa Kabataang Bagumbayan! ❤️❤️✨🙏