06/07/2026
ππππππππ πππππππππ πππππ ππππππππ πππππππ πππ πππππππ ππππππππππππππ ππππππ πππ πππππππππππ
Patuloy na binibigyang-diin ng Provincial Health Office (PHO) ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pakikipagtulungan upang mapanatili ang matagumpay na pagpapatupad ng National Voluntary Blood Services Program sa probinsya.
Nakiisa ang mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan, mga opisyal sa sektor pang-kalusugan, mga kinatawan mula sa iba't ibang munisipalidad ng Camarines Norte, at iba pang katuwang na institusyon. Bahagi ng programa ang presentasyon ng mga panrehiyon, pangkat ng mga lalawigan at panlalawigang tagumpay sa boluntaryong pagbibigay ng dugo, na nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng iba't ibang institusyon at indibidwal upang matiyak ang sapat at ligtas na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan partikular sa probinsya ng CamNorte.
Taglay ng programa ang temang, "Flow of Compassion: Recognizing Excellence and Dedication in Service", bilang pagkilala sa mahalagang papel ng bawat katuwang na mga personalidad at mga organisasyon sa pagtitiyak ng sapat, ligtas, at dekalidad na suplay ng dugo para sa mga mamamayan ng Camarines Norte.
βοΈ | Jeff Del Barrio
π₯ | Al Franz Sergio