21/09/2025
Wala man sa lansangan, may boses pa ring nakikiisa sa sigaw ng sambayanang Pilipino!
Ipakita ang lakas ng bawat boses sa paggamit ng DP blast bilang tanda ng ating pagkilos.
————————————————
𝐊𝐎𝐑𝐀𝐏𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐖𝐀𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍, 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐆𝐔𝐓𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐖𝐀𝐓𝐀𝐍!
Ako si _____________, ay kaisa ng sambayanang sabay-sabay sumisigaw para sa hustisya laban sa garapalang paglustay ng pera ng bayan.
𝐓𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚! 𝐒𝐨𝐛𝐫𝐚 𝐧𝐚! 𝐈𝐭𝐢𝐠𝐢𝐥 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐬𝐭𝐞𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐢𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐡𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐫𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢 𝐚𝐲 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐡𝐢𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧.
Ang kaban ng bayan ay para sa serbisyong panlipunan, hindi para sa bulsa ng tiwaling opisyal. Ang bawat sentimong ninanakaw ay katumbas ng kumakalam na sikmura, uhaw na lalamunan, ospital na kulang sa gamot, batang hindi makapasok sa paaralan, kalsadang hindi madaanan, at buhay na nasawi dahil sa palagiang pagbaha.
Hindi na kami mananahimik. Hindi na kami papayag na patuloy na manloko at mandambong ang mga nasa kapangyarihan. Panahon na upang maningil. Panahon na upang papanagutin ang mga magnanakaw sa gobyerno.
Ikulong ang mga buwaya. Isauli ang ninakaw sa taumbayan. Ipaglaban ang karapatan ng bawat Pilipinong matagal nang pinagkakaitan ng katarungan.
𝐊𝐚𝐭𝐚𝐫𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐞𝐫𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧. 𝐊𝐚𝐭𝐚𝐫𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨. 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐀!
https://twibbo.nz/korapsyonwakasan
https://twibbo.nz/korapsyonwakasan
https://twibbo.nz/korapsyonwakasan