MB NIÑO LAW FIRM

MB NIÑO LAW FIRM The Official page of Atty. Marvin B. Nino Law Office. For your legal concern, feel free to contact this page.

06/01/2025

Iginiit ng Korte Suprema na ang Certificate of Registration mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ay hindi awtomatikong nangangahulugan na ang isang manpower agency ay nakikibahagi sa legal na job contracting.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, sinabi ng Third Division ng Korte Suprema na ang Nozomi Fortune Services, Inc. (Nozomi), isang manpower agency, ay nakikibahagi sa labor-only contracting nang kunin nito si Celestino A. Naredo (Naredo) at italaga siya sa Samsung Electro-Mechanics Phils. (Samsung) bilang isang production operator.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na ang pagtukoy kung ang isang manpower agency ay nakikibahagi sa lehitimong job contracting o sa ipinagbabawal na labor-only contracting ay nangangailangan ng pagtingin sa kabuuang mga pangyayari. Ang Certificate of Registration ng DOLE ay maaaring makatulong na maiwasan ang mga pagpapalagay ng labor-only contracting, ngunit hindi ito nagsisilbing conclusive proof of legality.

Mayroong labor-only contracting kapag (1) ang isang kontratista na nagsupply ng mga manggagawa sa isang employer ay walang malaking kapital sa anyo ng mga kasangkapan, kagamitan, lugar ng trabaho, atbp., at (2) ang mga manggagawa ay gumagawa ng mga gawain na direktang nauugnay sa pangunahing negosyo ng employer. Sa ilalim ng kasunduang ito, ang kontratista ay isang ahente lamang ng employer na sa huli ay may pananagutan sa mga manggagawa na parang direktang trabahante nito.

Sa kaso ng Nozomi, nakita ng Korte Suprema ang mga elemento ng labor-only contracting. Ang mga tool at kagamitan na ginamit ni Naredo bilang isang production operator ay pag-aari ng Samsung at hindi ng Nozomi. Ang kanyang gawain sa pagpapatakbo ng isang stacking machine upang mag-pile ng mga chip capacitor ay mahalaga sa paggawa ng Samsung ng mga microchip. Pinamunuan din ng mga superbisor ng Samsung ang kanyang trabaho, na nagpapakita na pinamahalaan at kinokontrol ng Samsung ang kanyang trabaho.

Sa kabila ng pagkakaroon ng DOLE Certificate of Registration, ang Nozomi ay napag-alaman ng Korte Suprema na nakikibahagi lang sa labor-only contracting, kung saan ang Samsung ay kinilala bilang tunay na employer ni Naredo. Gayunpaman, idineklara ng Korte na walang illegal dismissal.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-dole-registration-certificate-alone-does-not-prove-legal-job-contracting/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon: https://sc.judiciary.gov.ph/221043-nozomi-fortune-services-inc-vs-celestino-a-naredo/



31/12/2024

Happy New Year! May we have a blissful and prosperous 2025🧧🎊

ANO NGA BA ANG IMPEACHMENT? Eto ay isang political na proseso kung saan ang opisyal na isinaad ng Constitution ay papaal...
30/12/2024

ANO NGA BA ANG IMPEACHMENT?
Eto ay isang political na proseso kung saan ang opisyal na isinaad ng Constitution ay papaalisin at tatangalan ng karapatan sa kanyang pwesto. Sa madaling salita, eto ay isang paraan na itinakda ng Saligang Batas sa ating Republika o mamayan ng Pilipinas na nawalan na ng tiwala at pag-asa sa opisyal na eto para tanggalin ang opisyal na eto kasi nakagawa siya ng mga gawain na hindi dapat ginagawa ng nasabing opisyal. Dito sinasabi ng Republika na hindi na dapat ipagpatuloy ng nasabing opisyal ang kanyang tungkulin kasi hindi na maayos ang kanyang ginagawa para sa bansa.

SINO ANG MGA OPISYAL NA PWEDE MA IMPEACH?

Ang mga opisyal na pwedeng ma-impeach ay ang mga sumusunod:
1) Presidente ng Republika ng Pilipinas;
2) Ikalawang Pangulo ng Republika;
3) Pangunahing hukom at kanyang labing-apat (14) na hukom ng Korte Suprema;
4) Miyembro ng Constitutional Commission e.g. Commissioner ng COMELEC, CSC at COA; at
5) Ombudsman.
Sa mga hindi nabanggit na opisyal. Hindi sila pwede paalisin sa pwesto gamit ang impeachment pero may mga paraan na iba para sila ay mawalan ng karapatan. Matatandaan din na ang pangunahing hukom na si Atty. Maria Lourdes Sereno ay natanggal sa pwesto sa pamamagitan ng Quo Warranto (The Sereno Case) dahil sa hindi pag sumite ng tamang SALN.

ANO ANG MGA BASEHAN PARA SA IMPEACHMENT?

Ayon sa ating Saligang Batas, ang mga sumusunod ay basehan para sa impeachment ng isang opisyal:
1) Bribery;
2) Graft and Corruption;
3) Treason;
4) Betrayal of public trust;
5) Culpable violation of the Constitution; at
6) Other high crimes.

ANO ANG PROSESO SA PAG IMPEACH?

1) Sa pamamagitan ng pag fifile ng verified complaint ng miyembro ng kapulungan ng mga kinatawan o isang citizen;
2) Isasama eto sa order of business within 10 session days;
3) Irerefer eto sa committee on justice within 3 session days;
4) Magkakaroon ng hearing sa committee at pagbobotohan eto. Kailangan ng majority na boto para makapag submit ng report sa plenaryo. Maglalabas ng resolusyon ang committee;
5) Itatalaga sa calendar ng plenary ang resolusyon sa order of business within 10 session days;
6) Pag dedebatehan eto sa plenaryo;
7) Kailangang ng 1/3 na boto ng kapulungan ng kinatawan para ma approbahan ang resolusyon na sumasangayon sa pag impeach o ibasura eto. Ang resolusyon na naaprobahan ay magsisilbi ng articles of impeachment (dito nakalahad ang mga grounds o complaint). Ang trial ng impeachment case ay isasagawa sa Senado.
8) 2/3 na boto ng miyembro ng senado ang kailangan para ma-impeach ang nasabing opisyal.

Para sa mas detalyeng proseso ng impeachment, puntahan ang link ng kinatawan ng kapulungan:https://docs.congress.hrep.online/download/docs/hrep.house.rules.adopted.ebook.pdf

ANO ANG MGA LIMITASYON SA PAG-IMPEACH SA MGA NASABING OPISYAL?

1) Lahat ng impeachment complaint ay uumpisahan o ififile sa kinatawan ng kapulungan; at
2) Hindi pwede magsagawa ng or mag-initiate ng impeachment proceeding ng hihigit sa isa sa loob ng isang taon.

Ang dahilan neto ay ang proseso ng impeachment ay isang tungkulin na hindi nauugnay sa paggawa ng batas, na siyang trabaho ng lehislatura, kung magkakaroon ng maraming impeachment complaint or proceeding sa isang taon, mauubos ang oras ng lehislatura na mas kailangan sila sa pagbalangkas at paggawa ng batas kaya dapat isa lang sa isang taon ang pagsagawa ng impeachment proceeding.

Disclaimer: For informative or academic purposes. This post is not meant to favor nor prejudice any political color.

Photo credits from the Philstar.

28/12/2024
22/12/2024

Read the latest issue of Benchmark, the official magazine of the Supreme Court Public Information Office, featuring Associate Justice Japar B. Dimaampao.

Contents:

-Justice Japar B. Dimaampao: The Pious Muslim Jurist
-Fast Talk with Justice Japar B. Dimaampao
-SC Goes International
-The Transformative Power of PDLs
-Prioritizing People: Elevating Work Standards and Employee Well-being
-Championing Mental Wellness in the Judiciary: The SC C.A.R.E.S. Program
-A Comprehensive Healthcare Plan for the Entire Judiciary
-In Memoriam: Ismael G. Khan, Jr.

Get a copy on the Supreme Court website: https://sc.judiciary.gov.ph/3d-flip-book/volume-9-3-2024/


20/12/2024
16/12/2024

A teacher at a Catholic-run school has won her battle against suspension for becoming pregnant outside of marriage after the Supreme Court (SC) ruled that premarital sexual relations between two consenting unmarried adults that led to pregnancy are not immoral and do not justify punitive action.

Congrats to all new lawyers
13/12/2024

Congrats to all new lawyers

Top Passers of the Examinations




13/12/2024

Top Passers of the Examinations




Address

2nd Flr, Macadamia Bldg. , Rizal Street , Cor Luna St. , Brgy. Poblacion G, Tarlac
Camiling
2306

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639062703489

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MB NIÑO LAW FIRM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MB NIÑO LAW FIRM:

Share

Category