Marinduque Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office

Call Website Contact the organization

Marinduque Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office PDRRMO MARINDUQUE

Sinimulan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang buwan ng October 2026 sa pamamagitan ...
05/10/2026

Sinimulan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang buwan ng October 2026 sa pamamagitan ng panalangin, bilang pagpapahayag ng pananampalataya at paghingi ng patnubay, karunungan, at lakas sa bawat gawain at hamon na haharapin.

Sa pangunguna ni Maj. Juan R. Fernandez Jr., PGDH, PDRRMO, patuloy na hinihiling ng buong PDRRMO family ang patnubay at proteksiyon ng Poong Maykapal para sa bawat kawani upang maging matatag, handa, responsable, at nagkakaisa sa paglilingkod sa mga Marinduqueรฑo.

Nawaโ€™y maging buwan ng pagkakaisa, kaligtasan, mabuting paglilingkod, at pagpapala ang October 2026. Sa bawat araw ng ating serbisyo, nawaโ€™y gabayan tayo ng Diyos sa paggawa ng tama at makabuluhan para sa kapakanan ng ating lalawigan.

โ€œWith faith as our foundation, we begin each day with courage, compassion, and commitment to serve.โ€

A blessed and meaningful October 2026 to the entire PDRRMO family!



Sa bawat pagsisimula ng isang bagong linggo, binibigyan tayo ng pagkakataong pagnilayan ang kahulugan ng ating trabaho a...
28/09/2026

Sa bawat pagsisimula ng isang bagong linggo, binibigyan tayo ng pagkakataong pagnilayan ang kahulugan ng ating trabaho at tungkulin. Bilang mga lingkod bayan, hindi lamang natin ginagampanan ang isang responsibilidad tayo ay pinagkakatiwalaang maging katuwang ng ating mga kababayan sa panahon ng pangangailangan at pagsubok.

Maaaring maliit lamang ang isang simpleng pagtulong, isang maayos na pagtugon, o isang serbisyong ginagawa nang buong katapatan. Ngunit para sa taong nangangailangan, maaari itong maging malaking bagay.

Kaya ngayong Lunes, nawa'y magsimula tayo nang may malinis na puso, positibong pananaw, at panibagong sigla sa paglilingkod. Gawin natin ang bawat tungkulin nang may malasakit, sapagkat ang tunay na halaga ng serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa dami ng ating nagawa, kundi sa kabutihan at pagbabago na naibibigay natin sa buhay ng ating kapwa.

Sa bawat araw na tayo'y naglilingkod, piliin nating maging dahilan ng pag-asa, tulong, at kaligtasan ng iba.



Panginoon, sa araw na ito, ipinagkakatiwala namin sa Iyo ang aming mga pangarap, pangamba, pamilya, trabaho, at mga desi...
25/09/2026

Panginoon, sa araw na ito, ipinagkakatiwala namin sa Iyo ang aming mga pangarap, pangamba, pamilya, trabaho, at mga desisyon. Gabayan Mo kami sa bawat hakbang at bigyan Mo kami ng lakas, karunungan, at pananampalataya. Anuman ang aming kinakaharap, tulungan Mo kaming magtiwala sa Iyong plano at manatiling may pag-asa. Amen.


๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐‘๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐‚ ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€ ๐Ÿ‘๐ซ๐ ๐๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ Nakibahagi si Maj. Juan R. Fernandez Jr., PGDHโ€“PDRRMO, sa isinagawang 2026 Regio...
24/09/2026

๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐‘๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐‚ ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€ ๐Ÿ‘๐ซ๐ ๐๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 

Nakibahagi si Maj. Juan R. Fernandez Jr., PGDHโ€“PDRRMO, sa isinagawang 2026 Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) MIMAROPA 3rd Quarter Meeting sa Batangas City.

Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon, pagtutulungan, at pagkakaisa ng mga kinauukulang ahensya at tanggapan sa rehiyon upang higit na mapahusay ang mga programa, paghahanda, at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad.

Patuloy ang PDRRMO Marinduque sa aktibong pakikiisa sa mga gawaing nagtataguyod ng isang mas ligtas, handa, at matatag na pamayanan.

Kahandaan, Koordinasyon, at Serbisyong Pangkaligtasan para sa Ligtas na MIMAROPA.



Taos-pusong pagbati mula saiyong PDRRMO Family sa aming masipag at dedikadong Research and Planning Section Chief, Maโ€™am...
21/09/2026

Taos-pusong pagbati mula saiyong PDRRMO Family sa aming masipag at dedikadong Research and Planning Section Chief, Maโ€™am Sheila Marie Chua!

Nawaโ€™y maging makabuluhan at puno ng saya, pagpapala, mabuting kalusugan, at tagumpay ang iyong kaarawan at ang bawat araw ng iyong buhay. Maraming salamat sa iyong walang-sawang dedikasyon, mahusay na pamumuno, at patuloy na paglilingkod para sa ating tanggapan at sa buong lalawigan.

Mula sa iyong PDRRMO Family, maligayang kaarawan, Maโ€™am Sheila!

God bless you always and more birthdays to come! ๐Ÿฅณโค๏ธ


ONGOING | ๐Ÿ‘๐‘๐ƒ ๐๐”๐€๐‘๐“๐„๐‘ ๐๐‘๐Ž๐•๐ˆ๐๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ ๐…๐”๐‹๐‹ ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐†Kasalukuyang ginaganap ngayong araw ang 3rd Quarter Provincial...
21/09/2026

ONGOING | ๐Ÿ‘๐‘๐ƒ ๐๐”๐€๐‘๐“๐„๐‘ ๐๐‘๐Ž๐•๐ˆ๐๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ ๐…๐”๐‹๐‹ ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐†

Kasalukuyang ginaganap ngayong araw ang 3rd Quarter Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Full Council Meeting sa Governorโ€™s Hall, Provincial Capitol, Boac, Marinduque.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang ahensya, tanggapan, at sangay ng pamahalaan, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng koordinasyon, kahandaan, at epektibong pagtugon sa mga panganib at sakuna sa buong lalawigan.

Pinangungunahan ang pagpupulong ni Governor Melecio J. Go, PDRRMC Chairperson, na nagsisilbing gabay sa patuloy na pagpapalakas ng disaster risk reduction and management efforts ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque.

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mga mahahalagang usapin, programa, updates, at mga hakbangin para sa mas ligtas, maagap, at matatag na pamayanan sa buong lalawigan.

Patuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa isang mas ligtas at disaster-resilient na Marinduque.




ECUMENICAL SATURDAY PRAYER GATHERING Isinagawa ang Ecumenical Saturday Prayer Gathering sa kabundukan ng Barangay Masalu...
19/09/2026

ECUMENICAL SATURDAY PRAYER GATHERING

Isinagawa ang Ecumenical Saturday Prayer Gathering sa kabundukan ng Barangay Masalukot, Santa Cruz, Marinduque, bilang pagkakataon ng sama-samang pananalangin, pagpapasalamat sa mga biyaya, at paghingi ng patnubay at gabay sa araw-araw na gawain at paglilingkod sa ating mga kababayan at lalawigan.

Dumalo at nakiisa sa makabuluhang pagtitipon ang mga kinatawan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs) ng anim na bayan ng Marinduque, gayundin ang mga pastor mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan.

Nakiisa rin sa nasabing panalangin si Bokal Joam Morales, bilang pakikiisa sa layunin na patuloy na palakasin ang pagkakaisa, pananampalataya, at pagtutulungan sa paglilingkod sa kapwa at sa lalawigan ng Marinduque.

Sa pamamagitan ng sama-samang panalangin, muling pinagtitibay ang pagkakaisa at pananalig bilang gabay sa patuloy na pagtugon sa mga hamon at pangangailangan ng komunidad.


Nakibahagi ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Marinduque sa isinagawang Coastal Clean...
18/09/2026

Nakibahagi ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Marinduque sa isinagawang Coastal Clean-Up and Talisay Planting Activity na pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), katuwang ang ibaโ€™t ibang tanggapan at ahensya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque.

Isinagawa ang naturang aktibidad sa Barangay Ihatub, Boac, Marinduque, bilang bahagi ng sama-samang pagkilos tungo sa pangangalaga ng kalikasan, pagpapanatili ng kalinisan ng mga baybaying lugar, at pagsusulong ng mga gawaing makatutulong sa pagpapanatili ng isang ligtas, malinis, at matatag na pamayanan.

Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinusulong ng PDRRMO Marinduque ang bayanihan at kolektibong pananagutan sa pangangalaga ng kapaligiran at pagpapalakas ng disaster resilience ng lalawigan.





๐๐จ๐š๐ญ ๐Ž๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž ๐š๐ง๐ ๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž๐ฌ ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ง๐ž๐ฅIsinagawa ang Boat Operations Management Training pa...
16/09/2026

๐๐จ๐š๐ญ ๐Ž๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž ๐š๐ง๐ ๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž๐ฌ ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ง๐ž๐ฅ

Isinagawa ang Boat Operations Management Training para sa mga personnel/staff ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs) katuwang ang Philippine Coast Guard bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kanilang kaalaman, kasanayan, at kahandaan sa pagpapatakbo at pamamahala ng mga rescue boat.

Layunin ng pagsasanay na higit na mapaunlad ang kakayahan ng mga kalahok sa ligtas at wastong boat operations, partikular sa mga aktibidad na may kaugnayan sa search and rescue, emergency response, at disaster operations.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at capacity-building, pinatitibay ang kahandaan ng ating mga responders upang makapaghatid ng mabilis, maayos, at ligtas na serbisyo sa panahon ng sakuna at iba pang emergency situations.

Laging handa, laging ligtas, at laging para sa serbisyo ng mga Marinduqueรฑo. ๐Ÿšจ๐ŸŒŠ



๐‡๐€๐๐ƒ๐Ž๐† ๐๐† ๐๐€๐๐†๐”๐‹๐Ž: ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐’๐€๐๐€๐“ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“ | ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐๐ƒ๐”๐๐”๐„๐ฬƒ๐ŽNgayong araw ay matagumpay na isin...
14/09/2026

๐‡๐€๐๐ƒ๐Ž๐† ๐๐† ๐๐€๐๐†๐”๐‹๐Ž: ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐’๐€๐๐€๐“ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“ | ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐๐ƒ๐”๐๐”๐„๐ฬƒ๐Ž

Ngayong araw ay matagumpay na isinagawa ang โ€œHandog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahatโ€ sa Capitol Compound, Lalawigan ng Marinduque, na dinagsa ng ating mga kababayan mula sa ibaโ€™t ibang bahagi ng lalawigan upang makinabang sa ibaโ€™t ibang serbisyong hatid ng pamahalaan.

Sa isinagawang aktibidad, naging panauhin at nakibahagi rin si Dr. Shirley C. Agrupis, Ph.D., Chairperson ng Commission on Higher Education (CHED), na nagbigay ng suporta sa layunin ng programa na mailapit ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan sa ating mga mamamayan.

Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon at paglilingkod ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), namahagi rin ang tanggapan ng hygiene kits at charitable goods para sa ating mga masisipag na magsasaka at mangingisda ng lalawigan.

Alinsunod sa direktiba ng ating Governor Gov Mel Go - Marinduque at ng masipag at matatag na Hepe, Maj. Juan R. Fernandez Jr., PGDH-PDRRMO, nagtalaga rin ang PDRRMO ng standby medical personnel upang matiyak ang agarang pagtugon sa anumang pangangailangang medikal at mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng ating mga kababayan na dumalo sa aktibidad.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng programang ito ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng ibaโ€™t ibang ahensya at katuwang na organisasyon na buong pusong naglaan ng kanilang oras, kakayahan, at serbisyo para sa kapakanan ng mga Marinduqueรฑo.

Serbisyong mabilis, maagap, at may malasakit para sa bawat Marinduqueรฑo.





Address

Provincial Capitol
Capitol
4900

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marinduque Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Marinduque Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office:

Shortcuts

Share