03/09/2025
Taos-pusong pasasalamat ang nais naming ipaabot sa lahat ng magulang na buong pusong sumuporta sa mga gawain ng katatapos lamang na BUWAN NG WIKA, lalo na sa isinagawang Lakan at Lakambini ng Wika 2025 na naging tulay upang mapunan ang kakulangan sa telebisyon ng paaralan na magsisilbing katuwang ng mga g**o sa makabagong pagtuturo.
Ang inyong aktibong pakikilahok mula sa paghahanda ng kasuotan, pag-aalalay sa mga ensayo, hanggang sa moral na suporta sa inyong mga anak— ay nagsilbing mahalagang salik sa tagumpay ng ating pagdiriwang. Sa pamamagitan ng inyong malasakit at pakikiisa, naipadama sa mga kabataan ang kahalagahan ng ating kultura, wika, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Muli, maraming salamat po sa inyong walang kapantay na suporta. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa ating pamayanan. 🙏🏼
Pasasalamat din para sa mga naggagandahang larawan kay Marlyn Agripa Dinglasan 📸