31/12/2025
Salamat sa pa-surprisa, mga minamahal kong ka-barangay! π
Bagamaβt hindi ko man personal na nasaksihan ang lahat, ramdam na ramdam ko ang taos-pusong pagmamahal, malasakit, at suporta ninyo. Tunay na nakakataba ng puso ang malaman na may isang komunidad na handang umunawa, umalalay, at magmahal nang walang hinihinging kapalit.
Lubos ang aking pasasalamat sa mga nag-organisa ng napaka-makahulugang pa-surprisa na ito: Jonjon Gravador, GraCe Longares, Joan Guerrero, Mark Janas, Paula Malabanan, Greg Muega, Marvin Manginao, lgbtq+ bancal. Maraming salamat sa oras, effort, at pusong inilaan ninyo. Hindi man ako nandoon, dama ko ang bawat ngiti at mabuting intensyon.
Maraming salamat din sa ating mga Zumbangers ππΊ sa inyong kabutihang-loob na isabay ang pa-birthday para sa akin sa inyong Year-End Celebration. Tunay na nakakaantig ang inyong mga warm wishes at masayang pagbatiβnapakalaking bagay nito para sa akin at sa aking pamilya.
At higit sa lahat, taos-puso kong pinasasalamatan ang aking maybahay Vhernie Rachell Levardo na siyang may pakana ng lahat. Ngayon ko naintindihan kung bakit talagang pinilit mo akong makadalo kahit nasa ospital na tayoβdahil alam mong ang lakas at inspirasyon ko ay nagmumula sa pagmamahal ng ating mga ka-barangay. π₯Ήπ
Maraming salamat sa patuloy ninyong tiwala at suporta. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong magsisilbi nang buong puso at katapatan.
Mahal na mahal ko kayo. Serbisyong may puso, ngayon at magpakailanman. ππ