๐˜ฝ๐™๐™‚๐™”. 10 - ๐˜พ๐˜ผ๐˜ฝ๐™„๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ฝ๐˜ผ๐™”

  • Home
  • Philippines
  • Carmona
  • ๐˜ฝ๐™๐™‚๐™”. 10 - ๐˜พ๐˜ผ๐˜ฝ๐™„๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ฝ๐˜ผ๐™”

๐˜ฝ๐™๐™‚๐™”. 10 - ๐˜พ๐˜ผ๐˜ฝ๐™„๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ฝ๐˜ผ๐™” Official page

04/09/2026

๐Ÿ“ข ABISO SA MGA RESIDENTE

Magkakaroon po ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ngayong gabi simula 10:00 PM upang maisagawa ang pagpapalit ng transformer sa Dulo ng Silangan.

โฐ Oras: 10:00 PM
โณ Tinatayang tagal: 2 oras

Hinihiling po ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang nasabing maintenance work.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. โšก๐Ÿ™

03/09/2026
๐Ÿšจ PATULOY ANG PAGMAMATYAG PARA SA KALIGTASAN! ๐ŸšจPatuloy ang pagro-roving ng ating masisipag na Barangay Tanod kasama si K...
03/09/2026

๐Ÿšจ PATULOY ANG PAGMAMATYAG PARA SA KALIGTASAN! ๐Ÿšจ

Patuloy ang pagro-roving ng ating masisipag na Barangay Tanod kasama si Konsehal Nilo Basbas, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa ating komunidad. ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ๐Ÿ’ช

Sa pangunguna ni Punong Barangay Gaudencio M. Legacion, katuwang ang Sangguniang Barangay, sama-sama nating pinangangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat residente.

Serbisyong tapat, malasakit na ramdam! ๐Ÿ’™

๐ŸŒ™ MADALING-ARAW NA ROVING | SEPTEMBER 1, 2026Patuloy ang pagro-roving ng ating masisipag na Barangay Tanod para sa segur...
31/08/2026

๐ŸŒ™ MADALING-ARAW NA ROVING | SEPTEMBER 1, 2026

Patuloy ang pagro-roving ng ating masisipag na Barangay Tanod para sa seguridad at kaayusan ng ating komunidad. ๐Ÿ’ช๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ

Sa pangunguna ni Punong Barangay Gaudencio M. Legacion kasama ang Sanggunian Barangay tuloy-tuloy ang pagbabantay para sa ligtas at mapayapang barangay. ๐Ÿค

30/08/2026
30/08/2026

๐ŸŒŠ๐Ÿšจ BANTAY-ILOG: LIGTAS ANG HANDA!

Patuloy ang Barangay 10 Cabilang Baybay sa pagmomonitor sa lebel at kondisyon ng ating ilog upang agad na matukoy ang anumang pagbabago at makapaghanda para sa kaligtasan ng ating mga kabarangay.

โš ๏ธ PAALALA: HUWAG MAGPAKAMPANTE!

Habang patuloy ang pag-ulan, inaabisuhan ang lahat na:
๐Ÿ”น Iwasang lumapit sa ilog at sa mga lugar na maaaring bahain.
๐Ÿ”น Bantayang mabuti ang mga bata at matatanda.
๐Ÿ”น Ihanda ang mahahalagang dokumento, gamot, pagkain, tubig, flashlight at iba pang emergency supplies.
๐Ÿ”น Huwag tumawid o lumusong sa mabilis at malalim na tubig.
๐Ÿ”น Manatiling updated sa mga opisyal na abiso ng barangay.
๐Ÿ”น Kung may utos na lumikas, sumunod agad at pumunta sa itinakdang ligtas na lugar.

๐Ÿ“ข Mas mabuting handa kaysa magsisi sa huli. Ang maagap na pagkilos at pakikipagtulungan ng bawat pamilya ay malaking bahagi ng pagpapanatili ng kaligtasan ng ating komunidad.

Patuloy ang pagbabantay ng ating barangay. Kayo rin, maging mapagmatyag. ๐Ÿค๐Ÿ’™

๐Ÿšจ BARANGAY RESPONDE | PAGTUGON SA ULAT SA JOLLIBEE CHECKPOINTAgad na rumesponde ang ating Barangay Tanod sa isang ulat m...
30/08/2026

๐Ÿšจ BARANGAY RESPONDE | PAGTUGON SA ULAT SA JOLLIBEE CHECKPOINT

Agad na rumesponde ang ating Barangay Tanod sa isang ulat mula sa Jollibee Checkpoint hinggil sa ilang menor de edad na nanghihingi ng limos sa mga customer at motorista.

Maayos at mahinahong kinausap ng ating mga barangay tanod ang mga kabataan at ipinaalala ang kahalagahan ng kanilang kaligtasan, kapakanan, at karapatang maprotektahan bilang mga bata. Isinagawa rin ang nararapat na koordinasyon upang matiyak na ang insidente ay maaksiyunan sa tamang paraan.

Patuloy ang ating paninindigan na protektahan ang mga kabataan, panatilihin ang kaayusan, at tugunan agad ang mga ulat ng ating mga kabarangay.

๐Ÿค Para sa ligtas, maayos at responsableng Barangay 10 Cabilang Baybay.

Sa pamumuno ni Punong Barangay Gaudencio M. Legacion, katuwang ang Sangguniang Barangay at Barangay Tanod.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ISANG MALAKING PAGKILALA PARA SA ATING BARANGAY! ๐Ÿ†Mga minamahal na kabarangay ng Cabilang Baybay,hinihiling po namin ...
27/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ISANG MALAKING PAGKILALA PARA SA ATING BARANGAY! ๐Ÿ†

Mga minamahal na kabarangay ng Cabilang Baybay,
hinihiling po namin ang inyong suporta at pakikiisa para sa ating kabarangay at Barangay Kagawad, Hon. Adrian Roy B. Umali, na nominado para sa 2026 Philippine Leaders Award bilang:

๐Ÿ† OUTSTANDING HUMANITARIAN AND COMMUNITY SERVICE

Ang pagkilalang ito ay para sa mga lider na naglilingkod nang may malasakit, integridad at dedikasyon at nagbibigay ng positibong pagbabago sa kanilang komunidad.

๐Ÿ’™ Suportahan natin ang ating sariling kabarangay!
Maaari po nating ipakita ang ating suporta sa pamamagitan ng PAG-LIKE at PAG-SHARE ng kanyang nomination post.
๐Ÿ‘ LIKE = 1 VOTE
๐Ÿ”„ SHARE = 2 VOTES

๐Ÿ›๏ธ Award: 2026 Philippine Leaders Award โ€“ Outstanding Humanitarian and Community Service
๐Ÿ“… Awarding: September 19, 2026
๐Ÿ“ Venue: Centennial Hall, The Manila Hotel

Isang LIKE, isang SHAREโ€”malaking ambag sa pagkilala sa serbisyo ng ating kapwa kabarangay! โค๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Cabilang Baybay, sama-sama nating suportahan si Hon. Adrian Roy B. Umali!

Ipagmalaki natin ang lider na patuloy na naglilingkod para sa ating komunidad! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ†







LET THE VOICE OF THE PEOPLE BE HEARD! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
The Philippine Leaders Award 2026 is now open for nominations!
This prestigious recognition honors CEOs, Entrepreneurs, and Public Servants whose stories of hope, inspiration, and contribution to the nation have created lasting impact in their communities and beyond.
If the negative feedback is found to be valid, credible, and with sufficient basis, the nominee will be automatically removed from the list of official nominees
Voting System (Engagement-Based)
๐Ÿ‘ Like = 1 Vote
๐Ÿ” Share = 2 Votes
Celebrate those who lead with compassion, integrity, and vision โ€” the men and women who prove that true leadership begins with service.
๐Ÿ“ Submit your nomination here: forms.gle/orfw4DJNZD2y4SuP8

๐Ÿ“ Venue: Centennial Hall, The Manila Hotel
Letโ€™s honor the stories that inspire and the leaders who bring hope to our nation.

https://forms.gle/orfw4DJNZD2y4SuP8

27/08/2026
๐Ÿšง ROAD CLEARING OPERATION | AUGUST 26, 2026 ๐Ÿšง๐Ÿ“ Saint Benedict, Ayala๐Ÿ•  5:35 PMNagsagawa ang ating Barangay Team ng Road C...
26/08/2026

๐Ÿšง ROAD CLEARING OPERATION | AUGUST 26, 2026 ๐Ÿšง

๐Ÿ“ Saint Benedict, Ayala
๐Ÿ•  5:35 PM

Nagsagawa ang ating Barangay Team ng Road Clearing Operation sa Saint Benedict, Ayala matapos maobserbahan ang mga sasakyang nakaparada sa mismong kalsada na nagdudulot ng pagsikip at pagbara sa daloy ng trapiko.

Layunin ng operasyong ito na mapanatiling maluwag, ligtas at passable ang ating mga kalsada para sa mga residente, motorista, pedestrian, at emergency responders. ๐Ÿšจ

Sa pamumuno ni Punong Barangay Gaudencio M. Legacion, patuloy ang ating barangay sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng trapiko.

๐Ÿค Disiplina sa paradahan at pakikiisa sa road clearingโ€”maliit na hakbang para sa mas ligtas at maayos na komunidad!

Address

๐˜ฝ๐™๐™‚๐™” ๐™ƒ๐˜ผ๐™‡๐™‡ ๐˜พ๐˜ผ๐˜ฝ๐™„๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ฝ๐˜ผ๐™”
Carmona
4116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐˜ฝ๐™๐™‚๐™”. 10 - ๐˜พ๐˜ผ๐˜ฝ๐™„๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ฝ๐˜ผ๐™” posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share