Mayor Rogelio "Ogie" Abad

Mayor Rogelio "Ogie" Abad Openness and accessibility of information about government operations, decisions, and actions to the public.

It's a key component of good governance, promoting accountability and fostering trust between the government and its citizens.

126TH PHILIPPINE CIVIL SERVICE ANNIVERSARYNgayon po, September 1, 2026 ay ipinagdiriwang ang ika-126 Philippine Civil Se...
01/09/2026

126TH PHILIPPINE CIVIL SERVICE ANNIVERSARY

Ngayon po, September 1, 2026 ay ipinagdiriwang ang ika-126 Philippine Civil Service Anniversary na may temang - "Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal at Galing para sa Bayan".

Ang pagdiriwang na ito ay nagpaprangal sa dedikasyon, integridad, at napakahalagang ambag ng ating mga lingkod-bayan na patuloy na naglilingkod sa mamamayan ng Carranglan nang may puso, dangal at galing.

Nawa'y ipaalala sa atin ng pagdiriwang na ito ang kahalagahan ng pagkakaisa, kahusayan, at tunay na paglilingkod sa bayan.

Sa lahat ng kawani ng Pamahalaang Lokal ng Carranglan, salamat sa inyong hindi matitinag na paninindigan sa paglilingkod sa ating pamayanan. Nawa'y patuloy nating isabuhay ang tunay na diwa ng Lingkod-Bayan - na may malasakit, integirdad at kahusayan.

Mabuhay ang mga Lingkod-Bayan!

Mabuhay ang Civil Service!

WALANG PASOK BUKAS MGA MAG-AARAL!Bilang pagsunod sa direktiba ng ating Provincial Government at sa ilalim ng Executive O...
27/08/2026

WALANG PASOK BUKAS MGA MAG-AARAL!

Bilang pagsunod sa direktiba ng ating Provincial Government at sa ilalim ng Executive Order No. 26, Series of 2026, suspendido po ang Face-To-Face Classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, bukas, August 28, 2026 sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Kaya, mag-iingat po tayong lahat at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsiyo at abiso ng awtoridad.

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐…๐‘๐ˆ๐ƒ๐€๐˜)

Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, at alinsunod sa Executive Order No. 26, Series of 2026, bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, ๐ข๐ง๐ข๐ซ๐ž๐ซ๐ž๐ค๐จ๐ฆ๐ž๐ง๐๐š ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ž ๐ง๐  ๐Ÿ๐š๐œ๐ž-๐ญ๐จ-๐Ÿ๐š๐œ๐ž ๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ, ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Batay sa PAGASA Weather Advisory No. 20, kabilang ang Nueva Ecija sa mga lugar na nasa Yellow Heavy Rainfall Outlook. Isinasaalang-alang din ang magkakasunod na Rainfall Advisory, Thunderstorm Advisory, at Heavy Rainfall Warning na inilabas ngayong araw, Agosto 27, dahil sa nararanasang malakas hanggang matinding pag-ulan sa lalawigan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at subaybayan ang mga opisyal na abiso para sa mga susunod na update.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! ๐Ÿ’™

26/08/2026

Magandang Umaga

Ito po ang ating Schedule ngayong araw, August 27, 2026.

Simula na rin po ng Semi-Finals ng Women's Volleyball kung saan ito po ay Best of Three Games.

(1) LGU versus (4) SB
(2) MHO versus (3) DepEd

Goodluck sa po sa lahat!

25/08/2026

Magandang gabi sa lahat!

Narito po ang Schedule ng mga laro bukas para sa ating ginaganap na Inter-Agency 2026 (Basketball and Volleyball League) - August 26, 2026, Wednesday.

Team Standings as of August 25, 2026
25/08/2026

Team Standings as of August 25, 2026

Schedule po ng mga Games bukas, August 25, 2026 para sa ating Inter-Agency (Basketball and Volleyball League)
24/08/2026

Schedule po ng mga Games bukas, August 25, 2026 para sa ating Inter-Agency (Basketball and Volleyball League)

Maulang hapon sa lahat!

Narito po ang Schedule of Games natin bukas, August 25, 2026, Tuesday para sa ating LGU-Carranglan Inter-Agency 2026 (Basketball and Volleyball League)

Schedule po ng mga Games bukas, August 24, 2026 para sa ating Inter-Agency (Basketball and Volleyball League)
23/08/2026

Schedule po ng mga Games bukas, August 24, 2026 para sa ating Inter-Agency (Basketball and Volleyball League)

Magandang umaga!

Narito po ang Schedule of Games natin bukas, August 24, 2026, Monday para sa ating LGU-Carranglan Inter-Agency 2026 (Basketball and Volleyball League)

19/08/2026

LGU-CARRANGLAN AT KORTE SUPREMA, NILAGDAAN ANG DEED OF DONATION PARA SA BAGONG PASILIDAD NG HUSTISYA

Isang matagumpay at makasaysayang pangyayari ang naganap sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Carranglan at sa Supreme Court of the Philippines matapos ang pormal na pagdaraos ng Signing Ceremony of the Deed of Donation. Ang seremonya ay idinaos sa Office of the Mayor, Carranglan Municipal Hall noong August 19, 2026.

Ang paglagda ay pinangunahan ng Punong Bayan, Mayor Rogelio B. Abad, kasama si Engr. Ariel Palomo (Municipal Planning and Development Coordinator), na nagsilbing mga awtorisadong kinatawan ng Pamahalaang Lokal ng Carranglan.

Sa kabilang panig naman, pinangunahan ni Hon. Armida A. Geronimo (Presiding Judge, MTC Carranglan) ang paglagda sa nasabing kasulatan bilang kinatawan ng Korte Suprema ng Pilipinas. Kasama rin niya bilang mga kinatawan ng Korte Suprema sina Atty. John Oliver Duke G. Villamar, (Notary Public) at Hon. Kristine C. Aquino-Ferrer, (Presiding Judge, MTC Lupao, Former Presiding Judge, MTC Carranglan) na siya ring nanguna sa paghiling upang magkaroon ng sariling lupang pagtatayuan ng bagong Justice Hall para sa bayan noong panahon ng kanyang panunungkulan.

Ang hakbang na ito ay partikular na isinagawa para sa pagtatayo ng bagong Justice Hall na magsisilbing mas maayos, mas maluwang, at mas angkop na pasilidad ng katarungan para sa mga mamamayan ng Carranglan at kalapit na mga nasasakupan.

Bilang mga saksi sa makabuluhang pangyayaring ito ay dumalo sina Vice-Mayor Ricardo Manucdoc, mga Konsehal ng Sangguniang Bayan na sina SBM Rona Venturina, SBM Joan Maglanoc, at SBM Jayson Oracion, SBM Vanessa May Rivera, Sir Ricardo Ferrer, Jr. (Municipal Administrator) Maโ€™am Virgen Lagliva (Juris Doctor at Secretary to the Sanggunian), Maโ€™am Nieva Ladores (Tourism Officer) pati na rin ang mga kawani ng Municipal Trial Court ng Bayan ng Lupao at Bayan ng Carranglan.

Ang nasabing kasunduan ay nagpapatibay ng ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng Pamahalaang Lokal ng Carranglan at ng Korte Suprema, na naglalayong itaguyod ang mas mahusay na pagbibigay ng serbisyo publiko at pagpapaunlad ng pamamahala sa katarungan sa nasasakupan ng bayan.

Address

Carranglan
3123

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Rogelio "Ogie" Abad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share