23/03/2026
PAGDIRIWANG NG KABABAIHAN: COMELEC NORTHERN SAMAR AT LGU SILVINO LUBOS, NAGSAGAWA NG GAD SEMINAR AT VOTERโS EDUCATION
Ika-23 ng Marso, taong 2026 | SILVINO LUBOS, NORTHERN SAMAR โ Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Womenโs Month ngayong Marso 2026, matagumpay na naisagawa ng Commission on Elections (COMELEC) Northern Samar, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Silvino Lubos, ang isang Gender and Development (GAD) Seminar at Voterโs Education para sa mga kababaihan at residente ng komunidad.
Sa ilalim ng pambansang tema para sa taong 2026 na โWE for Gender Equality and Inclusive Societyโ at sub-temang โLead Like the Babaylans, Filipinas!โ, binigyang-diin ng aktibidad ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa pamumuno at pagbuo ng bansa. Layunin ng seminar na ito na itaas ang antas ng kamalayan ng mga kababaihan pagdating sa kanilang mga karapatan at ang kahalagahan ng kanilang boses sa demokratikong proseso.
Nagsimula ang programa sa isang parada na nilahukan ng mga kalahok mula sa ibaโt ibang sektor ng komunidad. Sinundan ito ng rehistrasyon at pormal na pagbubukas sa pamamagitan ng panalangin at pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, COMELEC Hymn, at Silvino Lubos Municipal Hymn. Isinagawa rin ang pagkilala sa mga kalahok at mga panauhin.
Nagbigay ng mensahe si Dr. Agner S. Sagonoy, kasama sina Dr. Marilyn Baldoza, Dr. Lucio Lobos, Hon. Remedios I. Espinar, at Hon. Leo Lao Jarito, na nagbahagi ng kanilang suporta para sa adbokasiya sa kababaihan at pagiging responsableng mamamayan.
Sa bahagi ng talakayan, ibinahagi nina Ms. Jessa Mae O. Tagle-Sosing (RMT) ang HIV Awareness at ni Dr. Shanroe C. Cayong ang Womenโs Wellness. Tinalakay naman ni Atty. Fidel C. Amacna, Provincial Election Supervisor III ng COMELEC Northern Samar, ang Safe Spaces Act (R.A. 11313), habang ipinaliwanag ni PSSg. Joan M. Lim ang R.A. 8353, at ni Hon. Susan R. Mananguile ang R.A. 9710.
Lubos na binigyang-diin sa isang mahalagang mensahe ni Assistant Regional Election Director Atty. Maria Corazon S. Montallana, na nagpaalala na ang tunay na empowerment ng kababaihan ay nagsisimula sa kaalaman sa kanilang mga karapatan at sa tapang na ipaglaban ang mga ito. Kanyang hinikayat ang bawat isa na maging mulat, mapanindigan, at aktibong makilahok hindi lamang sa usaping panlipunan kundi lalo na sa demokratikong proseso tulad ng pagboto.
Tinalakay rin ni Mr. Johnny B. Morales ang Voterโs Education, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagiging responsableng botante.
Sa pagtatapos ng programa, isinagawa ang pamamahagi ng sertipiko at closing remarks ni Mr. Renato Madronio, Election Officer III ng OEO Silvino Lubos.
Ang kolaborasyong ito sa pagitan ng COMELEC Northern Samar at LGU Silvino ay isang mahalagang hakbang upang masiguro na ang bawat babae sa mga komunidad ay may sapat na kaalaman at kapangyarihang makilahok sa pag-unlad ng lipunan.