18/08/2026
HINDI LANG TITULO, KUNDI SERBISYO
“Ang officer ay hindi lamang may titulo—may responsibilidad.”
Ito ang mensahe ni District Deputy (SK) Sir Knight Senior Board Member Engr. Lope E. Dorado Jr. sa bagong pamunuan ng Knights of Columbus – Polangi Council No. 15404 sa kanilang Installation of Officers at Oath-Taking of Appointed Service Personnel Directors noong Agosto 16, 2026, sa Saint Joseph Husband of Mary Mission Center, Brgy. Polangi, Catarman, Northern Samar.
Hinimok niya ang mga bagong opisyal at miyembro na isabuhay ang apat na prinsipyo ng Knights of Columbus—Charity, Unity, Fraternity at Patriotism—hindi lamang sa salita kundi higit sa gawa.
Aniya, ang tunay na sukatan ng pagiging Knight ay ang mga taong natutulungan, mga pamilyang nabibigyan ng pag-asa at ang serbisyong naibibigay sa komunidad.
Hindi lang tayo tinatawag para mamuno—tinatawag tayo para maglingkod.
Congratulations sa lahat ng bagong opisyal ng Polangi Council No. 15404! 👏
In Service to One. In Service to All.
Vivat Jesus!