09/02/2026
"Ang sinag ng araw ay siyang hudyat ng panibagong pag-asa"
Isang Mapagpalang Araw mga KASIKAT!!
Napatunayan ng iba’t ibang karanasan na ang mga lider na matalino, matapat, at yaong nagpapakita ng malasakit sa nasasakupan sa tuwing sila ay gumagawa ng desisyon ay ang mga pinunong nagtatagumpay sa ganitong uri ng panahon.
Kami ang partidong SIKAT (Samahang may Integridad na Kaakibat sa Aksyon at Tagumpay) ay hindi nangangako ng kahit ano, sapagkat makakasigurado kayo na aming "Ipagpapatuloy ang Pagsikat ng Pag-asa para sa Paaralang may Pagkakaisa"
Atin ng tahakin ang landas na matuwid, kasama ang SIKAT Partylist... Ang Partylist na maghahatid ng liwanag at pag-asa, para sa ating PAARALAN!!
SUPPORT NATIN SILA!
Labing limang lider na susubok pumasok sa SELG ng ating Paaralan
Labing limang kandidato na SURE na SURE
na SIKAT na SIKAT sa ating paaralan,
mga lider na handang maglingkod.