06/10/2026
https://www.facebook.com/share/p/1FYv1oLnRC/
Matapos ang isang linggong paghahanap, natagpuan ang katawan ng isang mangingisda na aksidenteng nahulog mula sa sinasakyang bangka sa karagatan ng Corregidor, Cavite City.
Ayon sa pulisya, alas-11 ng umaga noong Oktubre 1 nang matagpuang palutang-lutang ang katawan ng biktima na kinilalang si alyas “Raymond,” nasa hustong gulang.
Batay sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kanyang kapatid na si alyas “Richard” habang sakay ng bangka patungo sa pantalan upang magbenta ng mga nahuling isda nang aksidenteng mahulog si Raymond sa dagat.
Agad na sinubukan siyang iligtas ng kanyang kapatid at nagsagawa rin ng search and rescue operation, ngunit hindi siya natagpuan hanggang sa lumutang ang kanyang katawan makalipas ang isang linggo.