22/12/2025
Maraming Salamat, Kabataan ng Gov. Ferrer! ✨
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng kabataang dumalo, nakiisa, at aktibong lumahok sa Katipunan ng Kabataan Assembly – 2nd Semester 2025, kasabay ng Drug Awareness and Crime Prevention Seminar. Ang inyong presensya, pakikinig, at pakikibahagi ay patunay na ang kabataan ay handang maging katuwang sa pagbuo ng isang ligtas, disiplinado, at responsableng komunidad. Marami pong salamat sa ating naging tagapagsalita, PCPT Mark Anthony A. Englatiera, Deputy Chief of Police of General Trias Component City Station para sa isang makabulihan na talakayan.
Sa darating na taon, mas marami pang makabuluhang mga proyekto ang ating ilulunsad—nakatuon sa aktibong partisipasyon ng kabataan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkakaisa, malasakit, at boluntaryong pakikilahok para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat kabataan.
Kabataan ang Pag-asa ng Bayan—ngunit higit sa lahat, Kabataan ang Katuwang sa Pagbabago.
Makakaasa kayo, ang SK ay patuloy na maglilingkod para sa inyo at kasama ninyo. 💚💙
Gov. Ferrer