05/05/2026
⚠️ RABIES ALERT | LUNGSOD NG CAVITE ⚠️
May naitalang positibong ka*o ng rabies sa a*o sa tatlong barangay sa ating lungsod. Dahil dito, pinapaalalahanan ang lahat na maging mas maingat at responsable upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
🐾 Ano ang Rabies?�Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na naipapasa sa tao at hayop sa pamamagitan ng kagat o laway ng infected na hayop. Kapag may sintomas na, ito ay halos 100% fatal—kaya prevention ang susi.
📢 Mahalagang Paalala:�✔️ Siguraduhing updated ang anti-rabies vaccination ng inyong mga alagang a*o at pusa�✔️ Iwasang pakawalan ang alagang hayop sa kalsada�✔️ Huwag lalapit o hahawak ng mga hindi kilalang hayop�✔️ Agad maghugas ng sugat at magpatingin sa health center kapag nakagat o nakalmot
🐶🐱 Bakit kinakailangang hulihin ang mga a*ong gala at pusang ligaw?�Ang mga stray animals ay maaaring:�• Walang bakuna laban sa rabies�• Walang may-ari na magbabantay kapag sila ay nagkasakit�• Posibleng maging tagapagdala at tagapagkalat ng rabies at iba pang mga sakit sa komunidad
Ang responsableng pag-capture at pag-manage sa kanila ay isang hakbang upang:�✔️ Maprotektahan ang publiko�✔️ Maiwasan ang pagdami ng rabies cases�✔️ Mabigyan ng tamang aksyon ang mga hayop (observation, vaccination, o tamang pangangalaga)
🤝 Hinihikayat ang lahat na makipagtulungan sa inyong lokal na pamahalaan at veterinary office. Ang kaligtasan ng bawat isa ay nakasalalay sa ating sama-samang aksyon.
📍 Para sa report o katanungan, makipag-ugnayan sa inyong barangay o City Veterinary Office.