Municipal Social Welfare and Development Office - GMA, Cavite

  • Home
  • Municipal Social Welfare and Development Office - GMA, Cavite

Municipal Social Welfare and Development Office - GMA, Cavite Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Social Welfare and Development Office - GMA, Cavite, Public & Government Service, Municipal Compound, Brgy Poblacion I, GMA, Cavite, .

𝟯𝟯𝗿𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻'𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘖𝘚𝘈𝘌𝘊-𝘊𝘚𝘈𝘌𝘔 𝘞𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯: 𝘒𝘢𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘒𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘵𝘢, 𝘐𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯!Bilang pakikii...
02/11/2025

𝟯𝟯𝗿𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻'𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻
𝘖𝘚𝘈𝘌𝘊-𝘊𝘚𝘈𝘌𝘔 𝘞𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯: 𝘒𝘢𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘒𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘵𝘢, 𝘐𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯!

Bilang pakikiisa sa malawakang selebrasyon para sa kaligtasan at karapatan ng bawat bata, narito ang mga programang inihanda ng ating lokal na pamahalaan biglang pagsuporta at pagkilala sa kanilang inosente at makulay na sektor.

🗓 November 3: NCM Kick-off Parade
🗓 November 3-4, 10-12: Medical and Dental Check-up for ECCD Learners
🗓 November 5: Essay Writing Contest for Junior High School students
🗓 November 13: Seminar on Responsible Parenthood
🗓 November 14: Parent-Child Dialogue
🗓 November 17: Kiddie-Lympic for ECCD
🗓 November 17-21: Little Municipal Officials 2025
🗓 November 25: Hip-hop Dance Contest and Drum & Lyre Competition
🗓 November 25: State of the Children Address (SOCA)
🗓 November 29: Alay-Lakad for Out-of-school Youth and Alternative Learning System

Happy 33rd National Children's Month, Batang GMAnians. 👦👧

Noong ika-5 ng Agosto, araw ng Martes, ay namahagi ang Open Heart Foundation Inc. at Rise Against Hunger Inc., sa pangun...
07/08/2025

Noong ika-5 ng Agosto, araw ng Martes, ay namahagi ang Open Heart Foundation Inc. at Rise Against Hunger Inc., sa pangunguna ni Ms. Cheryl Ocampo, ng relief goods para sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo. Sila ang mga pamilyang hindi napasama sa mapapamahagian noong nakaraan. Ang programang ito ay naihatid nang matagumpay sa ilang pamilya mula sa Barangay Poblacion 1 at Barangay Poblacion 5.

Naging matagumpay ang programang ito dahil na rin sa bukas at magandang daloy ng pakikipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Ms. Cristina H. Viegan. Lubos din tayong nagpapasalamat sa buong suporta na ipinaabot ng ating Punong Bayan, Mayor Medardo “Ed” Custodio.

Naging katuwang sa pamamahagi sina Hon. Ejhay Fontanilla, Hon. Carl Edwin Ugay, Mr. Jimuel Gabica, Ms. Micha Santos, Mr. Mico Llantos, at ang mga kasamahan nating volunteers mula sa Open Heart Foundation at Rise Against Hunger.

Sama-sama tayong babangon, GMAnians.

https://www.facebook.com/share/p/19nBAawkv6/PAABISO! Paglulunsad ng Buwan ng Nutrisyon! Magandang araw!Inaanyayahan nami...
28/07/2025

https://www.facebook.com/share/p/19nBAawkv6/

PAABISO! Paglulunsad ng Buwan ng Nutrisyon! Magandang araw!

Inaanyayahan namin kayo sa paglulunsad ng Buwan ng Nutrisyon ngayong July28, 2025!

Ang tema natin ngayong taon ay nakatuon sa Philippine Plan of Action for Nutrition, na naglalayong makamit ang food and nutrition security para sa lahat. Tandaan natin na ang sapat na pagkain ay ating karapatan!

Sama-sama tayong magsikap para sa isang malusog at masaganang komunidad! Kita-kits!






Mayor Ed Custodio

Opisyal na abiso mula sa DSWD ukol sa Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SPISC) Delisting and Replacem...
20/07/2025

Opisyal na abiso mula sa DSWD ukol sa Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SPISC) Delisting and Replacement

Ang DSWD Field Office IV-A ay nagpadala ng opisyal na liham sa Pamahalaang Bayan ng General Mariano Alvarez tungkol sa pagbabago sa listahan ng mga benepisyaryo ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC).

May kabuuang 288 na senior citizen ang natukoy na tumatanggap ng SSS pension, base sa isinagawang crossmatching ng DSWD Central Office.

Ayon sa panuntunan ng DSWD, ang mga senior na tumatanggap ng anumang pensyon (gaya ng SSS) ay hindi kwalipikado para sa programang SPISC.

Mga hakbang na ipatutupad:
• 15 benepisyaryo ang tuluyang tatanggalin sa listahan
• 273 slots ay papalitan ng mga kwalipikadong senior mula sa waitlist ng LGU
• Ang mga pagbabagong ito ay magkakabisa sa ika-3 quarter ng 2025

Paliwanag sa Isyu ng Masterlist ng Project LAWA at BINHINais po naming ipabatid sa lahat ng mamamayan, lalo na sa mga in...
19/07/2025

Paliwanag sa Isyu ng Masterlist ng Project LAWA at BINHI

Nais po naming ipabatid sa lahat ng mamamayan, lalo na sa mga inaasahang benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI, ang mga sumusunod na mahalagang detalye kaugnay sa pagbuo ng masterlist.

Address

Municipal Compound, Brgy Poblacion I, GMA, Cavite

4117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Social Welfare and Development Office - GMA, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share