Alliance of Bangsamoro Tri-Peoples Party

Alliance of Bangsamoro Tri-Peoples Party Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alliance of Bangsamoro Tri-Peoples Party, Political Party, Cotabato City.

04/09/2026
04/09/2026

Sa pagkakaiba, doon natin nakikita ang tunay na ganda ng Bangsamoro.

Sa ating pagtitipon sa Balabagan, Lanao del Sur, naging makulay ang programa dahil sa pagbabahagi ng kultura at talento ng ating mga kapatid na Sama at Teduray.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa. Ang inyong presensya at pagtatanghal ay paalala na ang Bangsamoro ay hindi iisang kulay lamang ito ay binubuo ng iba’t ibang kultura, kasaysayan, tradisyon at kwento.

Kaya sa ABoT Party Agenda 7: Lahat Panalo sa Ating Kultura, Kasaysayan at Turismo, hangad natin ang isang Bangsamoro na kumakalinga sa kultura, gumagalang sa pagkakaiba, at nagbibigay-halaga sa bawat komunidad.

Hindi kailangang maging pare-pareho para maging isa. Sa ABoT, sama-sama nating pinapahalagahan ang ating pagkakaiba dahil bawat kultura ay bahagi ng ating kwento, at bawat isa ay bahagi ng Bangsamoro.

Iba-iba man ang ating kultura, iisa ang ating hangarin.

Pulong-pulong sa Simunul, Tawi-Tawi. Mula sa mga isla ng Tawi-Tawi, patuloy nating inaabot ang bawat komunidad nakikinig...
03/09/2026

Pulong-pulong sa Simunul, Tawi-Tawi.

Mula sa mga isla ng Tawi-Tawi, patuloy nating inaabot ang bawat komunidad nakikinig, nakikipagdayalogo, at sama-samang naghahanap ng solusyon para sa mas inklusibong Bangsamoro.

Kasama natin ang ating ABoT Party nominee na si Ms. Rahima Bawasanta mula sa Tawi-Tawi, kasama ang mga kapatid nating Tausug, Sama at iba pa sa Island Province.

Hindi lang tayo nangangampanya nakikinig tayo. Dahil ang tunay na serbisyo, nagsisimula sa pag-abot at pakikinig sa boses ng bawat Bangsamoro mula mainland hanggang Island Provinces.

Sa ABoT Party, Lahat Panalo!💚💙🏝️

AUGUST 31, 2026 | BARANGAY TUMBRAS, KADAYANGAN, SGA-BARMMPatuloy ang paglawak ng yakap sa ABoT Party! Sa pangunguna ng 1...
01/09/2026

AUGUST 31, 2026 | BARANGAY TUMBRAS, KADAYANGAN, SGA-BARMM

Patuloy ang paglawak ng yakap sa ABoT Party!

Sa pangunguna ng 1st Nominee Dr. Rahib L. Kudto kasama ang iba pang mga nominee, muling nakipag ugnayan ang ABoT Party sa mga mamamayan ng Barangay Tumbras, Kadayangan, SGA.

Parami nang parami ang mga botanteng tumitindig at yumayakap sa adbokasiya ng totoong pagbabago.

Hindi pera ang hinihingi ng mga botante ng SGA. Hindi kanilang boto ang ipinagbibili. Ang kanilang hinihingi ay pamahalaang may malasakit, lider na may prinsipyo, at kinatawang tunay na manggagaling sa komunidad.

Panahon na upang bigyan ng pagkakataon ang mga bagong lider na hindi produkto ng tradisyunal na pulitika.

Hindi pera ang sukatan ng boto.
Hindi pangalan ang batayan ng pamumuno.
Serbisyo, integridad at tunay na pagbabago ang dapat manaig.

ABoT Party — para sa pagbabagong hindi lang ipinapangako, kundi ipinaglalaban.

MALABANG, LANAO DEL SUR Lumang masjid. Lumang madrasah. Ngunit buhay ang pangarap at nag-aalab ang pag-asa.Ngayong hapon...
31/08/2026

MALABANG, LANAO DEL SUR

Lumang masjid. Lumang madrasah. Ngunit buhay ang pangarap at nag-aalab ang pag-asa.

Ngayong hapon, mainit na sinalubong ng mga magulang at estudyante ng madrasah ang ABoT Party team, sa pangunguna ni President Dr. Samsodin C. Amella, at sa pangangasiwa ni Nominee Nassif Dimaporo.

Salat man sa suporta at pasilidad, patuloy silang nagsisikap para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Kaya patuloy na umaabot ang ABoT Party sa mga komunidad na tila matagal nang nakalimutang lingunin ng mga nasa katungkulan.

Dahil ang serbisyo ay hindi dapat nakabase sa kung gaano kalaki ang komunidad.

Kung may mga taong naghihintay na marinig, pupuntahan natin.
Kung may komunidad na hindi naaabot, aabutin natin.

ABoT ang boses. ABoT ang pangarap. ABoT ang pagbabago.
Dahil sa ABoT Party, lahat Panalo!

Address

Cotabato City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alliance of Bangsamoro Tri-Peoples Party posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share