15/01/2026
🔴 ANO ANG RUBELLA? 🔴
Alamin at mag-ingat para sa kaligtasan ng bawat bata at ina! 👶🤰
Ang Rubella o mas kilala bilang “German measles” o “Tigdas Hangin” ay isang sakit na dulot ng virus. Karaniwan itong banayad sa mga bata, ngunit napakadelikado para sa mga buntis, lalo na sa unang yugto ng pagbubuntis. Maaari itong magdulot ng malubhang depekto sa sanggol.
⚠️ Mga Sintomas ng Rubella:
• Lagnat (mababang antas)
• Panghihina ng katawan
• Pamumula ng mata
• Kulani
• Rashes o pantal sa balat
🦠 Paano ito kumakalat?
Naipapasa ang Rubella sa pamamagitan ng maliliit na talsik ng laway kapag umuubo, bumabahin, o nakikipag-usap ang taong may Rubella.
💉 PROTEKSIYON AY BAKUNA!
Siguraduhing kumpleto ang bakuna ng mga bata, lalo na ang edad 6–59 buwan, upang maiwasan ang pagkalat ng Rubella at maprotektahan ang buong komunidad.
📣 Sama-sama nating labanan ang Rubella!
Bakuna ang susi sa isang malusog na kinabukasan 💙
🤍