Pigcawayan MSWDO

Pigcawayan MSWDO This is the official page of the Municipal Social Welfare and Development Office of Pigcawayan, Cot.

๐Ÿ‘๐Ÿ’ ๐’๐ญ๐š๐ค๐ž๐ก๐จ๐ฅ๐๐ž๐ซ๐ฌ, ๐‹๐ฎ๐ฆ๐š๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฌ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ -๐š๐š๐›๐ฎ๐ฌ๐จAgosto 13, 2026 โ€” Isinagawa ngayong Huwebes...
13/08/2026

๐Ÿ‘๐Ÿ’ ๐’๐ญ๐š๐ค๐ž๐ก๐จ๐ฅ๐๐ž๐ซ๐ฌ, ๐‹๐ฎ๐ฆ๐š๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฌ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ -๐š๐š๐›๐ฎ๐ฌ๐จ

Agosto 13, 2026 โ€” Isinagawa ngayong Huwebes sa Bayan ng Pigcawayan ang โ€œProcess of Recognition of Abuse, Recording, Reporting, Referral and Monitoring for Stakeholders,โ€ na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga stakeholder sa tamang proseso ng pagtugon sa mga kaso ng pang-aabuso.

May kabuuang 34 na kalahok mula sa ibaโ€™t ibang ahensya at sektor ang lumahok sa aktibidad, kabilang ang Civil Society Organizations (CSOs), Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Barangay Local Government Units (BLGUs), Municipal Health Office, at Department of Education (DepEd).

Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang referral system at koordinasyon ng mga ahensya sa pagtugon sa mga kaso ng pang-aabuso sa komunidad.

Naging resource speaker si Atty. Elmarie C. Naparan-Ardina, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga batas, proseso, at responsibilidad ng mga stakeholder sa pagtugon sa mga kaso.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng Barangay Protection Order (BPO) sa mga kaso ng Violence Against Women and Their Children (VAWC). Ipinaliwanag ang papel ng mga barangay sa pagbibigay ng agarang proteksyon at sa pagtulong upang maiwasan ang patuloy na pananakit o pang-aabuso sa mga biktima.

Nagbigay naman ng mensahe at suporta sa aktibidad ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pigcawayan na sina Senior Councilor Jeremiah Peter N. Dela Calzada, RN, Hon. Atty. Renie Jay A. Soriano, at Hon. Almyrah P. Sumalde, RPh.

Sa pamamagitan ng aktibidad, inaasahang mas mapapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya, barangay, at iba pang stakeholders upang mas maging mabilis, maayos, at epektibo ang pagtugon sa mga kaso ng pang-aabuso.





๐๐ข๐ ๐œ๐š๐ฐ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐๐–๐ƒ ๐€๐ญ๐ก๐ฅ๐ž๐ญ๐ž๐ฌ, ๐๐š๐ ๐ฎ๐ฐ๐ข ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐“๐จ๐ญ๐จ๐จ ๐๐š๐ซ๐š๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Nagbigay ng karangalan sa Bayan ng Pigca...
12/08/2026

๐๐ข๐ ๐œ๐š๐ฐ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐๐–๐ƒ ๐€๐ญ๐ก๐ฅ๐ž๐ญ๐ž๐ฌ, ๐๐š๐ ๐ฎ๐ฐ๐ข ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐“๐จ๐ญ๐จ๐จ ๐๐š๐ซ๐š๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Nagbigay ng karangalan sa Bayan ng Pigcawayan ang mga Persons with Disabilities (PWDs) na lumahok sa Serbisyong Totoo Paralympics 2026 na ginanap kahapon Agosto 12, 2026 sa Amas, Kidapawan City, Cotabato.

Ipinamalas ng mga PWD participants mula sa Pigcawayan ang kanilang husay, determinasyon, at talento sa ibaโ€™t ibang larangan ng palakasan, na nagresulta sa pagkamit ng mga sumusunod na parangal:
โ€ข Champion โ€“ Menโ€™s Dart: Jomari Ejanel
โ€ข 4th Placer โ€“ Womenโ€™s Dart: Alice Jarde
โ€ข 5th Placer โ€“ Chess: Renante Labiana

Ang kanilang pagkilala ay patunay ng kanilang dedikasyon, tiyaga, at kakayahan sa kabila ng mga hamon. Ipinakita rin ng kanilang paglahok na ang mga PWD ay may mahalagang ambag sa larangan ng sports at sa komunidad.

Ang tagumpay ng mga PWD athletes mula sa Pigcawayan ay ipinagmamalaki ng buong bayan at nagsisilbing inspirasyon sa iba pang Persons with Disabilities na patuloy na linangin ang kanilang talento at makilahok sa mga programang nagtataguyod ng kanilang karapatan, kakayahan, at inklusibong pag-unlad.

Congratulations, Pigcawayan PWD Athletes!





๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€๐’ ๐๐€ ๐๐€๐Š๐€๐€๐€๐๐„๐Š๐“๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐ ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐PIGCAWAYAN, COTABATO | Agosto 1...
12/08/2026

๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€๐’ ๐๐€ ๐๐€๐Š๐€๐€๐€๐๐„๐Š๐“๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐ ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐

PIGCAWAYAN, COTABATO | Agosto 11, 2026 โ€” Bilang bahagi ng pagpapalakas ng proteksyon sa mga kababaihan at mga bata, isinagawa ngayong araw sa Bayan ng Pigcawayan ang Training on Laws Affecting Women and Children and the Limitations of Leadership Roles in the Application of Criminal Laws, na dinaluhan ng mga Imam at Timuay mula sa ibaโ€™t ibang komunidad ng bayan sa pangunguna ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC).

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman ng mga religious at traditional leaders tungkol sa mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan at mga bata laban sa karahasan, pang-aabuso, at iba pang paglabag sa kanilang mga karapatan.

Naging Resource Speaker si Atty. Elmarie C. Naparan-Ardina, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga batas para sa proteksyon ng kababaihan at mga bata, pati na rin sa tamang gampanin at limitasyon ng mga traditional at religious leaders sa pagharap sa mga kasong kriminal.

Nagbigay naman ng mensahe si Alvin C. Dela Cruz, Private Secretary I, na kumatawan kay Municipal Vice-Mayor Hon. Niel Jake V. Casi, kasama sina Hon. Shadria A. Tejada, MMPA, Hon. Jeremiah Peter N. Dela Calzada, RN at Hon. Almyrah P. Sumalde, RPh, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pigcawayan.

Isinagawa ang aktibidad sa malakas na suporta ni Municipal Mayor Juanito C. Agustin, na patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga programa at gawain para sa proteksyon at kapakanan ng kababaihan at mga bata sa bayan.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at LCAT-VAWC upang palakasin ang community-based protection tungo sa isang ligtas at mapagkalingang Pigcawayan.





11/08/2026
๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ, ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ง๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ ๐š๐ง๐  ๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐†๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆโ€“๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“ ๐š๐ญ ๐๐š๐ -๐€๐›๐จ๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐ฌ๐š ๐๐ข๐ ๐œ๐š๐ฐ๐š๐ฒ๐š๐ง Personal na pinangunahan...
11/08/2026

๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ, ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ง๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ ๐š๐ง๐  ๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐†๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆโ€“๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“ ๐š๐ญ ๐๐š๐ -๐€๐›๐จ๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐ฌ๐š ๐๐ข๐ ๐œ๐š๐ฐ๐š๐ฒ๐š๐ง

Personal na pinangunahan ni DSWD Undersecretary Eduardo M. Punay ang monitoring at validation sa implementasyon ng Walang Gutom Programโ€“UPLIFT Cash Assistance at Pag-Abot Program sa Bayan ng Pigcawayan kahapon, Agosto 10, 2026.

Kasama ni Undersecretary Punay si DSWD Region XII Regional Director Loreto Cabaya Jr. sa isinagawang pagbisita upang masubaybayan ang aktwal na pagpapatupad ng mga programa at matiyak na maayos, mabilis, at naaayon sa itinakdang proseso ang paghahatid ng tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Kabilang sa minonitor ang Walang Gutom Programโ€“UPLIFT Cash Assistance, na naglalayong makatulong sa mga pamilyang nangangailangan upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan at mapalakas ang kanilang kakayahang makaahon sa kahirapan.

Minonitor din ang Pag-Abot Program, na nakatuon sa pagtukoy, pag-abot, at pagbibigay ng angkop na tulong at serbisyo sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan ng suporta.
Isinagawa ang monitoring at validation bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DSWD na matiyak ang maayos, wasto, transparent, at episyenteng paghahatid ng mga programa at serbisyo sa mga benepisyaryo.

Naging posible rin ang maayos at matagumpay na pagpapatupad ng mga programa sa Bayan ng Pigcawayan sa pamamagitan ng matibay na suporta ng LGU-Pigcawayan, sa pangunguna ni Municipal Mayor Juanito C. Agustin, kasama ang 23rd Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Niel Jake V. Casi. Patuloy silang nakikiisa at sumusuporta sa mga programa ng DSWD na naglalayong matugunan ang mga pangangailangan at mapabuti ang kalagayan ng mga pamilyang nangangailangan sa bayan.

Patuloy namang nakikipagtulungan ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Pigcawayan sa DSWD Field Office XII upang matiyak na ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan ay maayos na naipatutupad at tunay na nakararating sa mga benepisyaryong higit na nangangailangan.




๐…U๐๐“๐€๐’๐“๐ˆ๐‚ ๐๐€๐‘๐„๐๐“๐ˆ๐๐† ๐’๐„๐’๐’๐ˆ๐Ž๐, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐๐Ž๐“๐‘๐„ ๐ƒ๐€๐Œ๐„ ๐Ž๐… ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐372 magulang, sama-samang natuto para sa mas mabuting ...
10/08/2026

๐…U๐๐“๐€๐’๐“๐ˆ๐‚ ๐๐€๐‘๐„๐๐“๐ˆ๐๐† ๐’๐„๐’๐’๐ˆ๐Ž๐, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐๐Ž๐“๐‘๐„ ๐ƒ๐€๐Œ๐„ ๐Ž๐… ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐

372 magulang, sama-samang natuto para sa mas mabuting pagpapalaki at paggabay sa kanilang mga anak.

Isinagawa noong Agosto 7, 2026 ang Parenting Development Session sa Notre Dame of Pigcawayan, Inc., na may temang โ€œFantastic Parenting: Parenting Made Simple, Intentional and Transformative.โ€

Dinaluhan ito ng 372 magulang ng mga mag-aaral ng NDP, na naglalayong dagdagan ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagiging epektibo at responsableng magulang.

Nagbigay ng Welcome Message si Aileen Silubrico, MAED, School Principal, habang naghatid naman ng Message of Support si Gregorio M. Sinatan, Prefect of Discipline.

Binigyang-diin naman ng Resource Speaker na si Jeanilyn O. Bendol ang kahalagahan ng pakikinig, pag-unawa, maayos na komunikasyon, paggabay, at pagbibigay ng suporta at pagmamahal sa mga anak.

Sa pamamagitan ng aktibidad, hinikayat ang mga magulang na maging simple sa paraan ng pagpapalaki, intentional sa bawat kilos, at transformative sa buhay ng kanilang mga anak.





๐’๐„๐๐ˆ๐Ž๐‘ ๐‚๐ˆ๐“๐ˆ๐™๐„๐ ๐Ÿ‘๐‘๐ƒ ๐๐”๐€๐‘๐“๐„๐‘ ๐๐€๐˜-๐Ž๐”๐“, ๐Ÿ—8.๐Ÿ—๐Ÿ•% ๐๐€๐ˆ๐“๐€๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐Ž๐”๐“ ๐‘๐€๐“๐„ ๐’๐€ ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐Matagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Se...
05/08/2026

๐’๐„๐๐ˆ๐Ž๐‘ ๐‚๐ˆ๐“๐ˆ๐™๐„๐ ๐Ÿ‘๐‘๐ƒ ๐๐”๐€๐‘๐“๐„๐‘ ๐๐€๐˜-๐Ž๐”๐“, ๐Ÿ—8.๐Ÿ—๐Ÿ•% ๐๐€๐ˆ๐“๐€๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐Ž๐”๐“ ๐‘๐€๐“๐„ ๐’๐€ ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐

Matagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Senior Citizen Pay-out sa Municipality of Pigcawayan sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng Lalawigan ng Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Governor Emmylou "Lala" Taliรฑo-Mendoza, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Pigcawayan bilang facilitating office.

Sa kabuuang 3,812 target beneficiaries mula sa 28 barangays, 3,773 senior citizens ang matagumpay na nakatanggap ng kanilang benepisyo na nagkakahalaga ng โ‚ฑ11,319,000.00, na may 98.97% payout rate.

Ang matagumpay na payout na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon ng PSWDO at MSWDO, sa malakas na suporta ni Municipal Mayor Juanito C. Agustin, upang matiyak na maihatid ang mga benepisyo sa mga karapat-dapat na senior citizens ng Pigcawayan.





๐„๐—๐๐€๐๐ƒ๐„๐ƒ ๐‚๐„๐๐“๐„๐๐€๐‘๐ˆ๐€๐ ๐€๐‚๐“ ๐‚๐€๐’๐‡ ๐†๐ˆ๐…๐“, ๐Ÿ–๐Ÿ ๐Ž๐‚๐“๐Ž๐†๐„๐๐€๐‘๐ˆ๐€๐ ๐€๐“ ๐๐Ž๐๐€๐†๐„๐๐€๐‘๐ˆ๐€๐ ๐’๐„๐๐ˆ๐Ž๐‘ ๐‚๐ˆ๐“๐ˆ๐™๐„๐๐’ ๐’๐€ ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐ ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐๐„๐๐„๐๐ˆ๐’...
29/07/2026

๐„๐—๐๐€๐๐ƒ๐„๐ƒ ๐‚๐„๐๐“๐„๐๐€๐‘๐ˆ๐€๐ ๐€๐‚๐“ ๐‚๐€๐’๐‡ ๐†๐ˆ๐…๐“, ๐Ÿ–๐Ÿ ๐Ž๐‚๐“๐Ž๐†๐„๐๐€๐‘๐ˆ๐€๐ ๐€๐“ ๐๐Ž๐๐€๐†๐„๐๐€๐‘๐ˆ๐€๐ ๐’๐„๐๐ˆ๐Ž๐‘ ๐‚๐ˆ๐“๐ˆ๐™๐„๐๐’ ๐’๐€ ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐ ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐๐„๐๐„๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž

Masayang tinanggap ng mga Octogenarian at Nonagenarian Senior Citizens ng Bayan ng Pigcawayan ang kanilang cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarian Act, sa isinagawang pamamahagi ngayong hapon, Hulyo 29, 2026.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC)-Region XII at ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Bayan ng Pigcawayan upang maipagkaloob ang benepisyong nararapat para sa ating mga nakatatandang mamamayan.

Dumalo sa programa si Nancy M. Agustin, Private Secretary II, bilang kinatawan ni Municipal Mayor Juanito C. Agustin, na patuloy na sumusuporta sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan, dignidad, at kagalingan ng ating mga senior citizens.

Sa kabuuan, 81 senior citizens ang naging benepisyaryo ng nasabing programa. Ang cash gift ay nagsisilbing pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa lipunan, at pasasalamat sa kanilang naging bahagi sa pag-unlad ng bayan.



!

P๐Ž๐‘๐Œ๐€๐‹ ๐๐€๐๐† ๐๐€๐†๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐€๐๐† ๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ ๐๐€๐˜๐Ž๐”๐“ ๐’๐€ ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐Pormal nang nagsimula ngayong araw, Hulyo 29, 2026, ang una...
29/07/2026

P๐Ž๐‘๐Œ๐€๐‹ ๐๐€๐๐† ๐๐€๐†๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐€๐๐† ๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ ๐๐€๐˜๐Ž๐”๐“ ๐’๐€ ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐

Pormal nang nagsimula ngayong araw, Hulyo 29, 2026, ang unang araw ng UPLIFT (Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport) Program Payout sa Bayan ng Pigcawayan.

Sa unang araw ng payout, kabuuang 944 na benepisyaryo mula sa 13 barangay ang inaasahang mabibigyan ng kanilang benepisyo. Isinagawa ang aktibidad sa Municipal Gymnasium ng Pigcawayan.

Ang programang ito ay pinangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII, habang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Pigcawayan ang nagsisilbing implementing office sa antas ng lokal na pamahalaan, sa patuloy na suporta ni Municipal Mayor Juanito C. Agustin.

Upang matiyak ang maayos, mabilis, at organisadong daloy ng payout, nagtulungan ang humigit-kumulang 70 kawani mula sa DSWD Field Office XII, katuwang ang mga tauhan ng MSWDO at iba pang mga partner agencies sa pagsasagawa ng programa.

Patuloy ang pagsisikap ng DSWD at ng Lokal na Pamahalaan ng Pigcawayan na maihatid ang mga programang naglalayong mapabuti ang kabuhayan at mapalakas ang suportang panlipunan para sa mga mamamayan.



!

๐๐‚๐๐‚ ๐€๐๐ƒ ๐•๐€๐–๐ƒ๐Ž ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐†, ๐†๐ˆ๐๐€๐๐€๐ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐’๐€ ๐Œ๐’๐–๐ƒ๐Ž ๐‡๐€๐‹๐‹Matagumpay na isinagawa ngayong Hulyo 28, 2026 ang p...
28/07/2026

๐๐‚๐๐‚ ๐€๐๐ƒ ๐•๐€๐–๐ƒ๐Ž ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐†, ๐†๐ˆ๐๐€๐๐€๐ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐’๐€ ๐Œ๐’๐–๐ƒ๐Ž ๐‡๐€๐‹๐‹

Matagumpay na isinagawa ngayong Hulyo 28, 2026 ang pinagsamang pagpupulong ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at Violence Against Women Desk Officers (VAWDO) sa MSWDO Hall, Pigcawayan.

Layunin ng pagpupulong na ihanda ang mga BCPC at VAW Desk Officers para sa mga nalalapit na aktibidad at functionality assessment. Tinalakay rin ang kanilang mga tungkulin at ang mga kinakailangang dokumento para sa maayos na pagpapatupad ng kanilang mga programa.

Nagkaroon din ng talakayan kung saan naibahagi ng mga kalahok ang kanilang mga karanasan, hamon, at mabubuting praktis sa kani-kanilang barangay.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga BCPC at VAWDO, patuloy na pinalalakas ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang mga programa para sa kapakanan at proteksyon ng mga bata, kababaihan, at pamilya sa bayan ng Pigcawayan.



!

Address

Cotabato City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pigcawayan MSWDO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pigcawayan MSWDO:

Shortcuts

Share