02/01/2025
BASAHIN | Puspusan na ang ginagawang hakbang ng 6th Infantry “Kampilan” Division o 6ID upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa darating na eleksyon ngayong taong 2025.
Sa programang PIA Talakayang Dose ng Philippine Information Agency Region XII, sinabi ni Lt. Col. Roden Orbon, spokesperson ng 6ID at commanding officer ng 6th Civil Military Operations Battalion, na kamakailan ay tinipon ng kasundaluhan ang mga miyembro ng Regional Joint Peace at Security Coordinating Centers upang talakayin ang mga usapin na may kinalaman sa eleksyon.
Ayon kay Orbon, kabilang sa mga miyembro ng Regional Joint Peace at Security Coordinating Centers ay ang Commission on Elections, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Coast Guard.
Dadag pa niya, sinimulan na rin ng 6ID ang pagsasagawa ng mga risk assessment upang matukoy ang mga lugar na maituturing na ‘high risk areas’ sa darating na halalan.
“Isinusulong na rin namin ngayon ang paglulunsad ng peace covenants o pagsasagawa ng mga candidates forum kung saan ini-invite namin ‘yong mga candidate na magcommit para sa isang peaceful and secure elections,” sinabi ni Orbon.
Kaugnay pa rin dito, nakatakda ring isagawa ng 6ID ngayong buwan ang peace summit kasama ang mga lokal na kandidato.