21/11/2025
TINGNAN: Feasibility Study ng Simuay Bridge, Phase II UBCPRD, Pormal nang Sinimulan | November 21,2025.
Pormal nang sinimulan ng Lokal na Pamahalaan ng Sultan Mastura, sa pamumuno ni Hon. Mayor Datu Armando T. Mastura, Al-hadj, ang inisyal na teknikal na pagsusuri para sa Urgent Bridges Project for Rural Development (UBRD) Phase II, isang proyektong naglalayong magtayo ng bagong Simuay Bridge na magsisilbing pangunahing tulay na magdurugtong sa mga bayan ng Sultan Kudarat at Sultan Mastura.
Sa naturang pagpupulong, dumalo rin si Former Mayor Datu Mando T. Mastura, Jr. bilang isa sa mga pangunahing kasama sa pagtalakay ng proyekto. Kasabay nito, pinangunahan ng delegasyon mula sa SMEC at PRIMEX, sa pamumuno ni Imman Lalo, Socio and Gender Specialist ang presentasyon hinggil sa teknikal na proseso at inaasahang saklaw ng site investigation.
Upang maging mas maayos ang koordinasyon, sumama rin si MDPC Engr. Mustapha K. Sinarimbo, EnP, na nagsilbing tulay sa komunikasyon sa pagitan ng mga konsultant at ng pamahalaang lokal. Siya ang nagpaabot ng mahahalagang detalye at lokal na datos na kritikal sa pagplano ng imprastraktura.
Ang masusing pagsusuri ay nakatuon sa topograpiya, kalagayang pangkapaligiran, at iba pang teknikal na salik upang matiyak na ang itatayong mga tulay ay magiging matatag, ligtas, at angkop sa pangmatagalang pangangailangan ng mga mamamayan.